Lady - 14: Vacation Part 2

143K 3.1K 333
                                    


A/N: Enjoy reading guys! :)


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)


'Till next time! Love, love, love!


=====================================


(Ice's P.O.V)


Isang marahang haplos sa aking pisngi ang gumising sa akin. Pagmulat ko ng aking mata, ang nakangiting mukha nina Chino at Aaron ang sumalubong sa akin.


"Hey sleepyhead...", nakangiting bungad sa akin ni Chino.


"Mama, let's go! Andito na tayo.", ani Aaron.


Isang ngiti ang isinagot ko sa anak ko sabay haplos sa pisngi niya. Halatang excited na siyang lumabas sa eroplano.


"Hoy! Ingatan niyo yang mga anak ko! Ang hiral-hirap mag-ire ng bata!", narinig ko namang sabi ni Jewel na nauuna nang lumabas sa eroplano, kasama rin niya ang iba pa naming mga kasama.


Tumayo na rin ako at magkahawak kamay kaming lumabas ni Chino habang buhat-buhat niya ang anak ko. Sa labas, may naghihintay sa aming limousine na siyang maghahatid sa amin sa resort. After a 10 minute drive, nakarating na rin kami sa wakas sa Jewel's Resort; one of Aiden's resorts which he named after his beloved wife. Kung hindi ako nagkakamali, birthday gift ito ni Aiden kay Jewel.


Grabe! Ang galante lang mag regalo ng mga lalaking 'to. Balita ko rin kasi, binilhan ni Ian si Chloe ng isang private island sa Hawaii. Iyon ang anniversary gift niya kay Chloe. Hay! Ba't pa ba kasi ako nagugulat? Ang yaman kaya nina Aiden at Ian kaya hindi nakapagtatakang galante sila mag regalo.


Pumasok na kami at kung gaano nakakanganga ang ganda ng labas, ganun na ganun din dito sa loob. At habang naglalakad kami rito sa may lobby, lahat ng mga guest, mostly women, e nakatingin sa amin. Or mas tamang sabihin na sa mga kasama naming mga lalaki. I'm pretty sure, mga viewers sila ng Ladies Guide.


"Oh my gosh! Andito yung mga bachelors!"


"Buti pala nagbakasyon tayo ngayon dito!"


"Oo nga! Grabe! Para na akong hihimatayin sa sobrang kilig! Ang gwapo nila!"


"Si Dwight ang pinaka-gwapo sa kanila!"


"No! Si Stiles, my loves."


"Si Vance kaya!"


Napatingin ako kina Dwight, Stiles, at Vance na buhat-buhat pa rin yung mga baby boys ni Jewel. Sina Dwight at Stiles, dire-diretso lang sa paglalakad nila at hindi pinapansin yung mga 'admirers' nila. Pero si Vance, nginingitian niya yung mga babae kaya tuloy mas lalong kinikilig ang mga ito.

My Bossy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon