Lady - 15: Vacation Part 3

128K 2.8K 192
                                    

A/N: THANK YOU sa patuloy na pagsuporta niya sa story'ng 'to! LOVE YOU guys! :)


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)


'Till next time! ENJOY READING!


============================================


(Ice's P.O.V)


Ngayon na ang last day namin dito sa Jewel's Resort. Di ko tuloy mapigilang makaramdam ng kaunting lungkot. Gusto ko pa kasing ma-extend ang bakasyon naming 'to dahil gusto ko pang makasama rito sina Aaron at Chino. Pero siyempre, hindi yun pwede dahil may mga trabaho kaming naiwan sa Manila. Siguro, sa susunod na lang ulit. Hindi naman siguro ito ang huling pagkakataon na pupunta kami rito para magbakasyon. I mean, we can always come back pag may time ulit in the future.


Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Medyo late akong nagising ngayon, sobrang napagod kasi ako mula sa mga activities namin kahapon. Aside from snorkeling, isa-isa din naming pinasyal ang apat na islang pagmamay-ari rin ng pamilyang Monteverde. Malapit lang ang mga islang yun dito sa Jewel's resort at binili yun ni Aiden para sa kanyang quads. So like Jewel's resort, pinangalan din niya ang mga islang yun kasunod sa pangalan ng mga anak nilang mag-asawa. Sosyal lang talaga.


Ginala ko ang mata ko sa loob ng kwarto pero hindi ko makita kahit saan si Aaron. Pagtingin ko sa bedside table, may iniwang note doon at galing yun kay Chino. Kasama raw niya si Aaron at nasa baba sila for breakfast. Sumunod na lang daw ako. Pagkatapos basahin yung nakasulat sa papel, binalik ko yun sa may bedside table saka tinungo ang banyo for my morning rituals. Nasa kalagitnaan ako ng pagtoo-toothbrush nang marinig ko ang ringtone ng phone ko. Napilitan akong labasin yun at sagutin dahil makulit yung caller na walang iba kundi si Eliza.


"Ma'am, pasensya na po kayo sa istorbo. May problema po kasi sa delivery natin dun sa wedding cake ni Mr. Sequia." Napatigil ako sa pagtoo-toothbrush ko at nangunot ang noo ko dahil sa sinabing yun ni Eliza.


Problema? "What do you mean? Anong problema?" Ang tinutukoy ni Eliza na si Mr. Sequia ay ang kliyente naming may kasal ngayon at ang Sweet Haven nga ang kinuha niya para gumawa ng wedding ng kanyang kasal.


"Kasi po ma'am, nasiraan po yung kotseng gamit nina Zoren at Luigi. Pinapunta ko na po si Lester para sunduin sila pero naipit po siya sa traffic. Medyo secluded din daw po yung area kung saan nasiraan sina Zoren at Luigi kaya di sila makakuha ng sasakyan kung saan pwede silang maki-angkas. Ma'am, sorry po. Sorry po talaga." Kahit gustong-gusto kong magalit, pinilit kong magpaka-kalmado. Wala rin naman kasing mangyayari kahit magpuputak ako ngayon. Isa pa, dinig ko rin sa tono ng boses ni Eliza na sobrang nahihiya siya and that she's really sorry dahil sa nangyari.


But setting that aside, kailangan kong makapag-isip ng paraan para maresolba ang problemang 'to! Hindi pwedeng pumalpak kami sa pag-deliver nung wedding cake dahil mapapahiya at masisira ang pangalan ng Sweet Haven. And to think na si Mr. Sequia ang first client ng shop ko! Oh God! What to do? What to do? Kahit ayokong mataranta, di ko rin mapigilan lalo pa't wala akong maisip na paraan. DAMMIT!

My Bossy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon