A/N: Sorry guys kung matagal ang UD. At salamat sa mga readers na matiyagang naghihintay ng UD :) And THANK YOU sa patuloy ninyong pagsuporta sa story na 'to! Sana di kayo magsawa :)
FACEBOOK PAGE: Moonlightpurple's Stories
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)
Till next time!
===========================================
(Ice's P.O.V)
Naalimpungatan ako nang biglang mag-ring yung phone kong nakapatong sa bedside table. Pupungas-pungas namang inabot ko yun. Picture ni Chino ang nagpapakita sa screen. Pero imbes na sagutin kaagad yung tawag niya, tinignan ko muna yung oras. What the! 4:30 palang pala ng umaga. Why the hell is he calling me this early?! Pinindot ko na yung answer button pero di ako nagsalita.
"Good morning baby!", bati naman sa akin Chino mula sa kabilang linya. Sobrang sigla pa ng tono ng kanyang boses na para bang wala siyang dinistorbong tao.
"What is it, Chino?", tinatamad, and at the same time, medyo iritadong tanong ko. Sino bang hindi maiinis kung biglang dinistorbo ang magandang tulog mo? Kahit pa mahal ko ang lalaking 'to, mahal ko rin ang tulog ko.
"I'm here outside your house." Parang nawala naman bigla yung antok ko sa sinagot ni Chino. Nasa labas siya? Anong ginagawa niya rito ng ganito kaaga?!
"Seryoso ka?!", paniniguro ko pa. Baka kasi pinagtri-trip-an lang ako ng isang 'to. Masasapak ko ang lalaking 'to ng wala sa oras pag pinagtri-trip-an lang talaga niya ako. Pero mukhang seryoso nga siyang nasa labas siya ng bahay namin.
"Of course not. Andito talaga ako.", he assured.
Wh–What? "O–Okay. Lalabas na ako.", sabi ko na lamang bago tinapos yung tawag. Bumangon na ako saka inabot yung robe ko at sinuot yun. Nagmamadaling lumabas na ako sa kwarto ko at pagbukas ko nung pintuan ng bahay namin, ang nakangiting gwapong mukha ni Chino ang sumalubong sa akin. Andito nga siya! Pagtingin ko sa kabuuan niya, naka pang-exercise siyang outfit. "Chino, what are you doing here this early?", kunot noong tanong ko sa kanya nang salubungin ko ulit ang chinito niyang mata. Ang aga kasi niyang mambulabog.
"Jogging tayo.", nakangiting yaya niya.
Mas kumunot naman ang noo ko sa narinig ko. So pumunta-punta siya rito sa bahay ng ganito kaaga para lang imbitahin akong mag-exercise kasama niya? Napabuntong hininga ako. This man... Kahit gusto kong mainis sa kanya dahil sa pang-iistorbo niya sa tulog ko, di ko pa rin magawa. Paano ba ako maiinis kung ganitong sobrang ganda ng pagkakangiti niya sa akin? Yung itsura kasi niya ngayon, katulad lang sa isang batang sobrang excited dahil dadalhin siya sa Disneyland o di kaya ay sa Enchanted Kingdom.
At dahil nga ganun ang ekspresyon ng kanyang mukha, ang hirap tuloy tumanggi. Nakaka-konsensyang humindi. "Si–Sige. Hintayin mo ako, magpapalit lang ako ng damit."
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple