Lady - 25: Past and Present

100K 2K 222
                                        

A/N: Sorry kung matagal ang UD. Busy ang inyong lingkod. SALAMAT sa mga readers na matiyagang naghihintay ng UD :)


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)


Till next time!


FB PAGE: MOONLIGHTPURPLE'S STORIES


===================================


(Ice's P.O.V)


"Ice, okay ka lang?" Ang tanong na iyon ni Jewel ang nakapagpabalik sa akin sa realidad mula sa pagkatulala ko.


"H–Huh?"


"Here..." Inabot naman sa akin ni Chloe yung nahulog kong phone.


"Sa–Salamat..." Nang ibalik ko ang tingin ko sa labas ng shop, andun pa rin si Jaime at sinenyasan niya akong lumabas. At sa takot kong makita siya ng mga kaibigan namin ni Chino... "Ahm... excuse me guys, lalabas lang ako sandali."


"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Jewel.


"Ano... uhm... may kukunin lang ako sa kotse ko." Iyon lang at lumabas na ako. Agad ko namang hinatak si Jaime papunta sa may parking lot bago pa siya makita nina Jewel. "What the hell are you doing here?!" nanggigigil sa galit na tanong ko kaagad sa kanya nang nasa may tapat na kami ng kotse ko.


"Gusto lang kitang makita..." aniya na nginitian pa ako. Mas sumidhi tuloy ang galit ko sa kanya.


"Pwede ba Jaime, umalis ka na! Wag mong guluhin pa ang buhay ko!"


"Hindi naman yun ang intensyon ko Ice. Hi–"


"Pero yun ang ginagawa mo!" pangpuputol ko sa sinasabi niya. "Please Jaime, umalis ka na. Tahimik na ang buhay namin ng anak ko at ikakasal na ako kay Chino. Kaya kung pwede lang, wag ka ng manggulo pa."


Napalis yung ngiti sa kanyang labi at sumeryoso ang kanyang mukha. "I'm sorry Ice pero hindi ko hahayaang mapunta kayo ni Aaron sa lalaking yun."


Agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi niyang yun. Mas tumalim din ang titig ko sa kanya. Huh! Ang kapal din talaga ng mukha ng lalaking 'to! "Ba't mo ba 'to ginagawa ha?! Ano ba talaga ang kailangan mo?!"


"Alam mo na ang sagot diyan, Ice. Kayong dalawa ni Aaron... kayo ang kailangan ko."


Ngumiti ko ng pakutya. "Right..." puno ng sarkasmong sabi ko. "Alam mo Jaime, tumigil ka na. Dahil kahit anong sabihin mo, kahit anong gawin mo, magpapakasal pa rin ako kay Chino. At siya na ang kikilalanin ng anak ko bilang ama niya."

My Bossy LadyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon