A/N: Sorry kung matagal ang UD.
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)
Till next time! Ciao!
=======================================
(Ice's P.O.V)
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mag-propose sa akin si Chino pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang at the end of this month ay ikakasal na kaming dalawa. Yes, at the end of this month na kami ikakasal. Kahit ako, nagulat nang sabihihin yun sa akin ni Chino. Ang bilis kasi.
Hindi naman sa ayaw kong ikasal kaagad kay Chino. Of course I want to be Mrs. Chino Park already pero baka kasi hindi magkasya ang 3 weeks na preparasyon para sa kasal namin. Kaso si Chino, ayaw talagang magpaawat kaya hayun, kumuha siya ng isang dosenang wedding coordinators. At mamaya nga ay kakausapin namin sila ni Chino. Maliban kasi sa venue ng kasal at reception, pati na rin sa shop na gagawa ng wedding cake ay hindi pa nasisimulan ang ibang preparasyon.
Yung napili naming simbahan ay yung simabahan kung saan din kinasal sina Jewel at Aiden, sa St. Jude's Parish. Yung reception, sa Castle hotel ni Aiden. Siyempre sa cake, ang Sweet Haven ang gagawa. Tungkol naman sa mga foods na ihahain sa reception, it will be catered by Vance's restaurant.
I stretched my left arm in front of me then heaved a sigh at the sight of my engagement ring, it's real, engage nga ako. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay parang hindi pa rin totoo ang lahat. Siguro dahil masyado akong overwhelmed kaya ganun?
Napatigil ako sa pagmumuni-muni ko nang biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko at pumasok doon ang ngiting-ngiting anak ko na kaagad nagpakandong nang makalapit sa akin. "Ma ka–" napatigil siya sa pagsasalita saka hinawakan yung kamay kong kinaroroonan nung singsing. "Wow mama, ang ganda-ganda po ng singsing mo," namamanghang sabi niya.
"Yes, it is beautiful," nakangiting pagsangayon ko.
"Halika na mama, kakain na daw tayo sabi ni lola."
"Okay, let's go." Binuhat ko na siya saka kami lumabas para kumain ng agahan. Pagkatapos naming kumain ay naghanda kami sa pag-alis. Sasama sa akin si Aaron habang si mama, pupuntahan si tita Charlotte para pag-usapan kung sino yung mga bisitang iimbitahan.
Katatapos ko lang na maligo nang makatanggap ako ng text message mula kay Chino. 'Good morning baby. I'm sorry pero hindi agad ako makakapunta sa meeting natin sa mga wedding coordinators. May meeting kasi ako kasama nung lima, hahabol na lang ako. Mabilis lang din naman yung meeting ko sa kanila. I love you,' iyon ang laman nung text. I'm sure sina Aiden, Ian, Stiles, Vance, at Dwight ang tinutukoy niyang ka-meeting niya.
Pero bakit naman kailangang ngayon pa yung meeting niya kasama yung mga kaibigan niya? Hindi ko kayang maka-meeting mag-isa yung mga wedding coordinators! I'm having cold feet for pete's sake! Kagabi nga, halos hindi ako nakatulog dahil sa isiping ngayon namin sisimulan yung preparasyon sa kasal namin. Itong nararamdaman kong 'to, ito ata yung tinatawag nilang pre-wedding jitters. Yung pakiramdam na hindi ka mapakali, yung parang may maraming paru-paro sa tiyan mo at gusto nilang kumawala lahat. Yung masaya ka pero at the same time ay sobrang nine-nerbyos ka. Mix emotions kumbaga. Ganun, ganun ang nararamdaman ko ngayon. Kaya nga wrong timing 'tong meeting ni Chino kasama yung mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple