A/N: Enjoy reading! THANKS A LOT FOR THE SUPPORT :)
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) You can FOLLOW ME if you want to! :)
=====================================
(Chino's P.O.V)
"Pare, bakit ba kanina ka pa linga ng linga? May hinahanap ka ba?", nagtatakang tanong sa akin ni Vance.
"Tinatanong pa ba yan? Malamang naghahanap na naman yan ng mga babae niya para ngayong gabi.", sabat ni Stiles.
"Pare, kung chiks lang ang hanap mo, ayun o...", sabay turo ni Ian sa isang table na kinauupuan ng isang grupo ng mga kababaihan. Ngiting-ngiti sila at halatang kinikilig nang mapatingin kami sa gawi nila.
Vance waved his hand that made the women squeal. I removed my gazed from them and went back on scanning the crowd. Yeah, those women are beautiful but I'm not just in the mood to entertain girls tonight.
Dalawang rason lang ang dahilan kung bakit ako pumunta ngayon dito sa Monteverde mansion. Una ay para maki-celebrate sa birthday ni Aiden at pangalawa ay para makita si Candice at yung boyfriend niya. I want to meet her current boyfriend. I want to know who that Aaron dude is.
"Hoy Chino, nakakapanibago ka talaga ngayon a. Ba't ba ang tahimik mo? May problema ba?", tanong ulit ni Vance sa akin.
"Maybe a woman named Candice Laurel.", ani Dwight.
Napabaling ako sa kanya. "You've seen her? Where is she?", mabilis na tanong ko.
Natahimik silang lahat pero ilang sandali lang ay nag nagisihan sila. At doon ko lang napagtanto ang ginawa ko. Napapahiyang napaiwas ako ng tingin. Dammit!
"Kaya pala linga ng linga ang gago ay dahil hinahanap niya ang pinakamamahal niyang ex-girlfriend.", nang-aasar na sabi ni Ian.
You and your stupid mouth! Ayan! Aasarin ka na ng todo ng mga gagong yan, panenermon ko sa sarili ko.
"H-Hindi ko siya hinahanap.", tanggi ko.
"Bakla mo pare! Nauutal at namumula ka pa riyan!", nang-aasar ding komento ni Stiles.
"Shut the hell up, man!"
Mas natawa pa sila lalo sa reaksyon ko. Tss! Hindi ko na lang sila pinansin pa at bumalik na ako sa paghahanap ko kay Candice at sa boyfriend niya. Asaan na ba kasi yung babaeng yun? Ba't hanggang ngayon wala pa rin siya? Tsk! Gusto ko ng makita kung sino man yung Aaron na yun!
"Hey!", untag sa akin ni Vance kaya napabaling ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/45444933-288-k204119.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
Genç Kız Edebiyatı[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple