Lady - 22: So... HOT

110K 2.2K 294
                                    


A/N: THANK YOU sa patuloy niyong pagsuporta sa story'ng 'to kahit matagal ang UD. I LILLY LILLY LILLY LABYU!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)


UNTIL NEXT TIME!


=========================================


(Ice's P.O.V)


"Mmm..."


"That was the Lemon Buttercream," ani Eliza pagkatapos naming tikman yung pangwalong cake na nakahain sa harapan namin.


Kasalukuyang naririto kami ngayon ni Chino sa Sweet Haven at nagke-cake tasting. Sinama ko na siya dahil gusto kong yung magiging cake at cupcakes sa kasal namin ay pasado rin sa panlasa niya kahit pa sinabi niyang kung ano yung gusto ko ay siya ring gusto niya. Pero sa akin, gusto ko may 'say' pa rin siya.


"Masarap. What do you think, baby?" tanong niya sa akin.


Nginitian ko siya. "Masarap nga." Gawa ng shop ko e, hahahaha. Pero seryoso, masarap 'tong Lemon Buttercream.


"Next one is the Red Velvet cake."


Tinikman namin yun ni Chino and masarap din siya. Kasi nga, gawa ng shop ko! HAHAHAHA! Yung red velvet na ang pinakahuling cake. Ibig sabihin, tapos na kami sa pagtikim at kailangan na naming magdecide kung anong flavor yung cake namin. Ang nasa top list ko ay yung Lemon Buttercream, Red Velvet, Cherry Almond, and Chocolate Doberge. Pero yung pinakagusto ko talaga is yung Lemon Buttercream. Kay Chino kaya?


Bago ko pa siya matanong ay inunahan niya ako. "Ano yung pinaka-nagustuhan mo, baby? Ako yung Lemon Buttercream."


Hindi ko naman napigilang mapangiti nang marinig ko yung gusto niya. Naks! Parehas pa talaga yung gusto namin. "Same. Lemon Buttercream din," I answered.


"Talaga, baby?!" Kumikinang-kinang pa ang mga mata niya na para bang nanalo lang siya sa isang lotto. "Meant-to-be talaga tayo, baby. Kahit kasi sa flavor ng wedding cake natin, parehas tayo ng gusto."


May ganun? Pero hindi na ako kumontra sa sinabi niya. Why would I? Tama naman siya, meant-to-be talaga kaming dalawa! Ang kokontra, magkaka-almoranas forever!


Nang tignan ko si Eliza, nangingiti siyang nakatingin sa amin ni Chino. Halatang kinikilig sa aming dalawa. "So it's decided. Lemon buttercream will be the flavor of our wedding cake," sabi ko sa kanya.


"Yes ma'am. Kami na po ang bahala. Sisiguraduhin naming sobrang ganda ng wedding cake ninyo pati na rin yung mga cupcakes," aniya at hindi ko yun pinagdududahan. Kung sa mga customers nga naming nagpapagawa ng cake sa shop ko e todo effort sila sa paggawa, edi siyempre lalo na ngayong kasal ng kanilang boss.

My Bossy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon