A/N: Sorry kung naging matagal ang UD.
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)
Till next time... ENJOY READING!
=========================================
(Ice's P.O.V)
"Mmm..." Dahan-dahan kong minulat ang aking mata nang magkamalay na ako. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil medyo sumasakit yun. Tch, ano ba kasi ulit ang nangyari? Sa kabila ng pananakit ng ulo ko, pinilit ko pa ring inalala yung huling nangyari bago ako nawalan ng malay.
Agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na ang lahat. Tama! Tinangka kong takasan yung mga kumidnap sa akin pero napigilan nila ako. Mabilis kong inilibot ang aking paningin sa kwartong kinaroroonan ko, nasa ibang kwarto na ako. Hindi kagaya nung unang pinagdalhan sa akin, may veranda itong bagong kwartong kinaroroonan ko. At bukas pa yung pintuan papunta doon.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Mabilis akong lumabas sa may veranda para tumakas. Pero pagtingin ko sa baba, nalula ako sa taas ng kinaroroonan ko. Pag tinangka kong tumalon, siguradong patay agad ako pagkarating ko sa baba. Sh-t! Akala ko pa naman makakatakas na ako! "TULONG! TULUNGAN NIYO AKO! TULONG!" nagsusumigaw na lamang ako, nagbabakasakaling baka may makarinig sa akin pero kahit ata maubos ang boses ko, wala pa ring tulong na darating. Maliban kasi sa malawak na empty ground sa baba na mukhang parking lot, walang ibang kabahay-bahay na makikita. Wala ring katao-tao doon. At itong building, mukhang ako lang ngayon ang naririto dahil ang kwartong kinaroroonan ko lang ang nakabukas ang ilaw.
Sh-t! Saan ba itong bagong pinagdalhan nila sa akin?! Dito ba naroroon yung taong nasa likod ng pagkaka-kidnap ko?! Hindi! Dapat makatakas ako bago pa bumalik yung mga taong kumidnap sa akin! Pero ang tanong, paano?! Pag tumalon nga kasi ako, siguradong lasog-lasog ang katawan ko pagkarating ko sa baba. Ah! BAHALA NA! Basta ang importante, makatakas ako!
Nagmamadaling bumalik ako sa loob saka inalis yung bed sheet nung kama, pati na rin yung mga takip nung mga unan. Kinuha ko rin yung kumot saka nagmamadaling lumabas ulit sa veranda. Sinimulan kong pagdugtong-dugtongin yung mga kinuha ko, iyon ang gagamitin kong lubid para makaalis sa lugar na 'to. Tumingin ako sa may gawi ng pintuan, sana lang hindi pa sila pumasok.
Mas binilisan ko pa ang pagtatali nang biglang maagaw ang atensyon ko. Kahit nasa may kataasan ako nung building, dinig na dinig ko ang engine ng mga sasakyan mula sa baba. Baka andito na ang mga pulis! Baka nahanap na ako nina mama! Pagtayo ko para tumingin sa baba, ganun na lamang ang paglaho ng pag-asang naramdaman ko nang makita kong hindi mga police cars yung mga sasakyang nagpapaikot-ikot ngayon sa parking lot. Dahil may ilaw sa baba, kitang-kita ko kung anong klaseng mga kotse yung dumating, mga SPORTS CAR na iba't-iba ang kulay. Si–Sino kaya ang mga 'to?
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
أدب نسائي[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple