Lady 29: Uncover

107K 2.3K 346
                                    

A/N: THANK YOU sa MGA READERS na patuloy pa ring sumusuporta sa story na 'to! LABYU GUYS!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)


'Till next time!


FB PAGE: MOONLIGHTPURPLE'S STORIES


==================================


(Ice's P.O.V)


"Mama!"


Napatingin ako sa anak kong kasalukuyang nasa may taas ng slide. Nang kumaway siya sa akin, nakangiting kinawayan ko rin siya pabalik. Sa may baba ng slide, andun si mama. Siya ang umaalalay sa napaka-hyperactive niyang apo.


Isang buntong-hininga naman ang pinakawalan ko nang mapatingala ako sa kalangitan. Ang ganda lang ng panahon ngayong araw na 'to, sobrang aliwalas ng kalangitan. At tirik man ang araw, ayos lang dahil binabalanse naman yun ng malamig na simoy ng hangin ng Baguio.


Oo, andito kami ngayon ng pamilya ko. Pagkatapos ng hindi natuloy na kasal namin ni Chino, napagdesisyunan kong pumunta muna rito. Wala akong tinatakasan o di kaya'y pinagtataguan kaya ako pumunta rito, gusto ko lang talagang mag-relax kaya ko naisipang mag-Baguio kasama ang pamilya ko.


Pero ang hirap ding mag-relax kung bawat segundo rin, wala akong ibang naiisip kundi si Chino. Miss na miss ko na siya, sobra. Gustong-gusto ko na ulit siyang makita. Ganun pa man, pinipigilan ko talaga ang aking sariling puntahan siya. Gusto ko kasi sa pagkakataong 'to, siya naman ang unang lumapit. Hindi sa nag-iinarte ako o kung ano man, gusto ko lang kasi na sa kanya mismo manggaling na gusto pa rin niyang ituloy ang relasyon namin.


Sa totoo lang, siya lang naman talaga ang hinihintay ko. Yung space na hiningi ko, para sa kanya yun. Para mapag-isipan niya ng mabuti kung ano talaga ang gusto niyang mangyari sa aming dalawa at sa relasyon namin. Kung gusto nga niya itong bigyan pa ng isang pagkakataon, gusto kong sigurado na rin siyang kaya niyang ibigay ang lahat-lahat - pagmamahal... tiwala, at lahat ng iba pang kailangan para mapatakbo namin ng maayos ang relasyon namin. Gusto ko, maging parehas na kaming dalawa ng nararamdaman at ng kayang ibigay.


Kasi ako, simula nung magkabalikan kami, lahat ng binibigay ko sa relasyon namin ay buong-buo. Yung pagmamahal ko maging yung tiwala ko sa kanya, buong-buo. Gusto ko, ganun din siya. Kasi kung hindi, wala ring mangyayari. Sa hinaharap, pag may magtangkang mamagitan ulit sa amin, malaki ang posibilidad na mauulit at mauulit lang yung nangyari sa amin ngayon.


Pero sana lang din, hindi ako mabigo sa paghihintay kong 'to sa kanya. Ramdam ko kasing may pumipigil kay Chino. Hindi ko alam kung ano pero alam kong meron kasi kung wala, matagal na niya akong pinuntahan. Kasi noon nung makipaghiwalay ako sa kanya, halos walang makapigil sa kanya para puntahan ako at kausapin. Kaya nga napagdesisyunan kong umalis noon sa QIS at lumipat na lamang sa ibang paaralan. Kaya nasisiguradong may pumipigil ngayon kay Chino para puntahan ako. I really hope I'm not waiting in vain, I thought as I heaved a deep sigh.

My Bossy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon