A/N: Kasi na-LSS ako sa 'HELLO' na kanta ni Adele :) ENJOY READING GUYS! 'til next time!
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) You can FOLLOW ME if you want to! :)
======================================
(Ice's P.O.V)
Pagkatapos nung sayaw namin ni Chino ay nagpaalam na ako kay Jewel na uuwi ako. Siyempre, nagtaka siya kung bakit aalis na agad ako pero sinabi kong susunduin ko pa si Aaron sa bahay ng mga pinsan niya. Pagkatapos kong magpaalam sa kanya ay nagpaalam din ako sa iba.
"Ice, if you want ipapahatid ka na lang namin sa family driver namin. Kasi gabi na rin. Delikadong bumyahe kang mag-isa.", ani Jewel na binalingan ang asawa niya. "Darling, ipahanda mo na yung kotse kay Mang Jose para ihatid niya si Ice."
"Naku, wag na. Ayos lang naman na umuwi ako mag-isa. Sanay na ako."
"Ako na ang maghahatid sa kanya.", lahat kami napatingin kay Chino na siyang nagsalita.
Wait, anong sabi niya? Siya ang maghahatid sa akin?
NO! Hindi pwede!
"Ayoko.", mabilis na tanggi ko na ikinalito niya. "Ahm... ano... sa family driver na lang nina Jewel ako magpapahatid.", nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Ayokong siya ang maghatid sa akin. Mas gusto ko pang magpahatid sa family driver nina Jewel, wag lang sa kanya. Hindi pwede.
"A–Ah, okay.", sabi ni Jewel na nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Chino.
Hindi pa rin ako tumitingin kay Chino.
"Sige, una na ako sa inyo.", pagpaalam ko ulit sa ibang mga bachelor boys at kay Chloe.
"Bye Ice.", nakangiting sabi sa akin ni Chloe.
"Ingat ka.", sabi naman ni Ian.
Nginitian ko sila bago naglakad palabas ng mansion kasama sina Jewel at Aiden.
"Ingat ka Ice.", ani Jewel nang nasa may front porch na kami ng mansion nila.
"Thank you for coming.", Aiden
Parehas ko silang nginitian. "Happy birthday ulit.", bati ko kay Aiden. "Sige, una na ako sa inyo.", I said the last time bago tuluyang pumasok sa loob ng itim na BMW.
Dinaanan muna namin ang anak ko sa bahay ng pinsan kong si Joy. Sa Canada sila naka-base ng kanyang pamilya at nagbabakasyon lang sila ngayon dito sa Pilipinas for a week. At kaya hindi sumama si Aaron sa akin sa party dahil gusto niyang makipaglaro sa mga pinsan niya. Mukhang naging ka-close niya agad ang pinsan niyang si Jordan na mas matanda sa kanya ng isang taon at si Philip na kasing edad lang niya.

BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple