A/N: Pasensya kung matagal ang UD, walang panload ng broadband e HAHAHA :) Enjoy reading!
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)
Till next time!
========================================
(Ice's P.O.V)
"Mama, bilis! Gusto ko ng mag-boat.", sambit ni Aaron na halatang excited ngang mag-boating. Hinawakan pa nga niya ako sa kamay ko at hinihila ako.
"Anak don't worry, hindi tayo mauubusan ng boat.", natatawang sabi ko na lamang. Nag-pout naman si Aaron. Napabuntong hininga na lang ako. First time kasi niyang mag-boating kaya sobrang excited siya. Kaso hindi ko magawang makapaglakad ng mabilis, parang naninigas kasi sa lamig ang tuhod ko. Ang lamig kaya ngayon dito sa Baguio.
Oo andito kami ngayon sa Baguio nina mama. Kasal kasi ng isa sa mga pinsan ko na nakatira rito at si Aaron ang kinuha nilang maging ring bearer at ako naman ang maid of honor ng pinsan ko. Buti na lang at bakasyon na nina Aaron kaya maliban sa kasal, andito na rin kami para mag-bakasyon.
After everything that happened these past few days, opportunity na rin 'to para makapag-relax ako at iwan ko muna sa Manila lahat ng mga problema ko. Speaking of the things that had happened these past few days, hindi ko mapigilang mapabalik tanaw sa pag-uusap namin ni Chino nung gabi na inihatid niya kami pauwi. Pagkatapos ko kasing sabihin sa kanya na hindi siya ang ama ni Aaron, he insisted a DNA test which I objected right away. Kung hindi siya naniniwala sa sinabi kong hindi siya ang ama ni Aaron, bahala siya. Pero hinding-hindi ko ipapa-DNA test ang anak ko.
"MA! DALI!", sambit ulit ni Aaron na siyang nagpatigil sa pagmumuni-muni ko.
"Opo boss.", nakangiting sabi ko sa anak kong halatang nauubusan na ng pasensya.
Sumakay na kami sa isang boat dito sa boating side ng Burnham park. Kumuha na lang kami ng isang crew na siyang magsasagwan though nagpupumilit si Aaron na siya ang magsagwan daw. Ang bagal tuloy namin. Nang mapagod lang siya saka niya pinaubaya ng tuluyan doon sa crew ang pagsagwan. Pagkatapos naming mag-boating ay pinanood namin ang LED light fountain show sa may rose garden. Di ko naman mapigilang mapangiti habang nakatingin sa anak kong halata na nag-eenjoy.
Bago umuwi ay nag-takeout muna kami ng pagkain. At habang papunta kami sa may waiting area ay may nakabanggaan ako. Hihingi na sana ako ng dispensa pero nawalan ako ng kibo ng makita ko yung taong nakabanggaan ko.
"Frances?", gulat na sambit ko sa pangalan niya.
"Ice?", gulat din niyang sambit sa pangalan ko. Mukhang maging siya ay nagulat sa muli naming pagkikita. Kailan nga ba kasi kami huling nagkita? Ah, nung araw bago ako lumipad papuntang Singapore.
Frances Medina is my best friend. Nakilala ko siya nung nasa college kami, kaparehas ko kasi siya ng course.
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
Romance[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple
