Lady - 10: Moment of Truth

142K 3.5K 605
                                    

A/N: This is it guys... enjoy reading! HAHAHAHA :D


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to!


'til next time!


=====================================


(Ice's P.O.V)


"Ang sarap talaga ng mga cakes mo, Ice iha.", pagpuri ni tita Charlotte habang kinakain yung cake na binake ko. Ang pamilyang Park ang ka-share namin ng table rito sa classroom nina Aaron.


"Salamat po tita.", nakangiting sabi ko bago tumingin kay Chino at sa anak ko na nakaupo sa kandungan niya. Si Chino ang nagpapakain sa kanya. Sa eksenang yun, hindi ko mapigilang makaramdam ng takot at awa habang nakatingin sa kanila. Awa para sa anak ko dahil nakikita ko ang pangungulila niya sa isang ama at mukhang nakahanap siya ng father figure sa katauhan ni Chino. Kung titignan silang dalawa ngayon, para talaga silang mag-ama. Sobrang close nila. At yun ang kinakatakot ko, yung closeness nila. Bakit sa dinami-rami ng taong pwedeng maging ka-close ng anak ko, bakit si Chino pa? Hinde pwede! Ayoko sa ideyang close sila sa isa't-isa!


"A–Ah Chino...", usal ko at tumingin siya sa akin. Napalunok ako nang mawala yung ngiti sa labi niya at sumeryoso ang kanyang mukha. "Akin na si Aaron. Ako na ang bahalang magpakain sa kanya.", dugtong ko.


"Pero mama, si tito Chino ang gusto kong magpakain sa akin.", ani Aaron na ikinagulat ko.


Ilang sandali rin akong hindi naka imik. Tumikhim ako nang makabawi ako sa pagkabigla ko. "Anak, kailangan ding kumain ni Chino. Sige na, halika na at ako ang magpapakain sa'yo."


"Pero mama...", reklamo ni Aaron na nakanguso pa.


"Aaron, wag matigas ang ulo. Halika na para makakain na rin si Chino."


"It's okay, Candice.", singit naman ni Chino dahilan para mapatingin ako sa kanya. Kay Aaron siya nakatingin at nakangiti pa siya sa anak ko. "Ako na ang magpapakain sa kanya.", aniya saka tumingin sa akin.


Pero binalik din kaagad niya ang kanyang tingin sa anak ko at sinimulang subuan ulit si Aaron. Di ko na nagawang makatutol pa. Bumaling ako kay mama at nagkibit balikat lang siya. Wala na akong nagawa kundi panoorin na lamang sina Chino at Aaron.


Hindi 'to pwede. Kailangan kong gumawa ng paraan bago pa tuluyang mahulog ang loob ng anak ko kay Chino. Ayokong masanay ang anak ko sa pagkakaroon ng father figure, lalo pa sa katauhan ni Chino.


Pagkatapos ng lunch ay nagkaroon ng parlor games. Masaya akong pinapanood ang anak kong nakikisali sa mga laro kasama si Chelsie. Nang i-announce ng teacher nina Aaron ang susunod na laro, kung saan ay kailangan ang participation ng mga parents, lumapit kaagad sa akin si Aaron.

My Bossy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon