A/N: THANK YOU sa mga readers na matiyagang naghihintay na lamang sa UD ko at hindi ako prine-pressure. Naa-appreciate ko talaga yung mga ganung readers. LABYU GUYS!
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)
Until next time!
FB PAGE: MOONLIGHTPURPLE'S STORIES
======================================
(Ice's P.O.V)
"MAMA!"
Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang malakas na sigaw na yun ng anak ko. Pinunasan ko muna yung kamay kong may icing, busy kasi akong nagbe-bake ng cupcakes. Pagdating ko sa may sala, naabutan ko roon sina Aaron at Jaime na may dala-dalang maraming shopping bags. Mukhang pinag-shopping na naman ni Jaime si Aaron.
Three days na ang nakalipas simula nang ipakilala ko si Jaime kay Aaron. Siyempre nung una, nahihiya at awkward pa si Aaron sa kanyang tunay na ama pero kalaunan din ay naging komportable na rin siya kay Jaime. At heto nga, nagba-bonding na silang dalawa.
"Mama tignan mo o, binilhan ulit ako ni papa ng mga toys! Binilhan din namin sina ate Sara at Toby," nakangiting sabi sa akin ni Aaron na halatang in-enjoy ang pamamasyal nilang dalawa ng kanyang papa. Ang tinutukoy niyang binilhan din nila ay ang mga anak ni Jaime sa asawa nitong si Ivy. Alam na ni Aaron na may mga kapatid siya sa kanyang ama, hindi pa man niya nakikita ang mga ito sa personal pero pinakita na ni Jaime ang mga litratro ng mga ito sa anak ko.
Sabi sa akin ni Jaime, plano niyang ipakilala si Aaron sa kanyang pamilya pagbalik namin sa Manila at pumayag ako. Tiwala naman kasi akong mabait ang pamilya ni Jaime. Isa pa, karapatan ni Aaron na makilala ang mga kapatid niya.
"Mukhang inii-spoil mo naman na 'tong si Aaron," nakangiting sabi ko kay Jaime.
"Bumabawi lang," nakangiti ring sagot niya. "Oo nga pala Ice, ngayon na pala ako babalik sa Manila," dagdag niya.
"Ano bang oras ang trip mo?"
"1:30."
"Ganun ba? O sige, dito ka na mananghalian at ihahatid ka rin namin sa bus station," sabi ko na halatang ikinagulat niya.
"Naku Ice, hindi niyo naman ako kailangang ihatid," aniya.
"Sige na, sigurado rin kasi akong magpupumilit itong bubwit na 'tong ihatid ka namin mamaya," sagot ko sabay gulo sa buhok ng anak ko na busy ng binubuksan ang mga bago niyang laruan.
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple