A/N: THANK YOU sa mga readers na matiyagang naghintay sa UD kong 'to! I LABYU GUYS!
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)
This is it guys! ENJOY READING!
===========================================
(Ice's P.O.V)
Dati, nung bata ako, ilang ulit akong kinuha para maging flower girl sa kasal. At sa tuwing naglalakad na ako sa isle, wala akong ibang napapansin kundi ang mga dekorasyon sa loob ng simbahan. Kung gaano kaganda yung mga palamuting nilagay. Pag papasok naman na yung bride, yung wedding gown niya ang tinitignan ko. Tandang-tanda ko pa, namamangha ako sa tuwing nakakakita ako ng bride. Para kasi silang mga prinsesa mula sa mga fairytale books na binabasa ko.
Nung magdalaga naman na ako, kinukuha pa rin ako sa mga kasalan. Pero siyempre, hindi na para maging isang flower girl kundi para maging abay. At kung dati yung gown nung bride ang tinitignan ko sa tuwing naglalakad na ito sa may aisle, nagbago yun ng magdalaga na ako. Yung mukha na niya ang tinitignan ko, inoobserba ko kasi yung emosyon niya. At gaya sa kanyang bride, ganun din ang ginagawa ko sa groom. Inoobserba ko parehas ang mga emosyong makikita sa kanilang mukha.
At kahit pa tinatabingan ng belo yung mukha nung bride, alam kong umiiyak ito dahil sa panaka-naka nitong pagpunas sa kanyang pisngi. Nung mga panahong yun, hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang reaksyon nung mga ikakasal. Palagi kong tinatanong sa sarili ko, bakit kaya sila naiiyak? Oo, alam kong masaya sila pero ganun ba talaga katindi yung sayang nararamdaman nila na dumarating sa puntong maiiyak sila?
Sobrang curious talaga ako nun sa pakiramdam ng isang ikakasal. Dumating sa puntong gusto ko na ring ikasal kaagad nung mga panahong yun para malaman ko kung ganun din kaya ako pag ako na yung bride. Para maranasan ko yung ganung pakiramdam.
And finally...
Heto na nga...
Dumating na rin sa wakas ang araw na yun, ang araw na pinakahihintay ko. Mararanasan ko na ang pakiramdam ng isang ikakasal dahil ngayong araw na 'to ay ikakasal na rin ako sa lalaking pinakamamahal ko. Sa lalaking noon pa man ay pinangarap ko ng makakasama ko hanggang sa pagtanda ko.
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple