A/N: SALAMAT sa mga readers na hindi pa rin bumibitiw sa story na 'to :) SALAMAT din sa matiyaga ninyong paghihintay ng mga UDs ko :) LABYOW GUYS! Kayo talaga ang mga totoong readers at 'fans'(ang weird lang isipin na may mga fans daw ako HAHAHAHAHA XD) ko :)
=> FB PAGE: Moonlightpurple's Stories (para makita niyo mga pictures ng mga characters ko.)
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS. You can FOLLOW ME if you want to :)
Till next time guys!
=========================================
(Ice's P.O.V)
Halos di ko na mabilang kung ilang ulit kong chine-check ang phone ko ngayong araw para makita lang kung may text na sa akin si Chino. Nagkamali ako ng akala, akala ko araw-araw akong ite-text o di kaya'y tatawagan ni Chino kaso iba ang nangyari nitong nakaraang tatlong araw. Kahit isang tawag o text, wala akong natanggap. Yung pinakahuling text lang na natanggap ko ay nung sinabi niyang nasa Denmark na siya. Ganun ba siya ka-busy kaya di niya ako ma-text o matawagan? This is so not like Chino. Wait--di kaya may nangyaring masama sa kanya doon kaya ganun?
Ano ka ba naman Ice! Ba't ka ganyan mag-isip? Malay mo, busy lang talaga yung tao, panenermon sa akin ng isang bahagi ng isipan ko.
Pero kasi... Napabuntong hininga na lamang ako. Siguro nga masyado lang siyang busy kaya di niya ako kino-contact. Pero sana, magparamdam na siya para masigurado kong okay siya. Nag-aalala na kasi talaga ako para sa kanya.
Kahit di pa rin ako sigurado kung magre-reply si Chino, nag-iwan ulit ako ng text sa kanya, kagaya rin ng ginawa ko nitong mga nakaraang araw.
'Hi baby. How are you? Are you okay? Why aren't you still replying any of my text messages? I hope you'll be able to reply me this time. I'm really worried about you. I love you.'
Pagkatapos ko siyang i-text, pinagpatuloy ko na lamang yung trabaho ko. Pero wala rin yung buong atensyon ko sa ginagawa ko dahil palagi akong napapatingin sa phone ko, umaasang magre-reply na siya pero wala pa rin talaga. Chino, bakit ba hindi ka pa rin nagre-reply?
Naagaw bigla ang atensyon ko nang marinig kong may kumatok sa pintuan ng office ko. "Come in."
Bumukas yun at pumasok si Eliza. "Ma'am, may naghahanap po sa inyo," pagbibigay-alam niya.
"Sino?" nagtataka namang tanong ko. At bago pa makasagot si Eliza ay pumasok yung taong tinutukoy niya na walang iba kundi si... "Frances!"
"Hi Ice!" nakangiting bati niya sa akin.
"Sige po ma'am. Lalabas na po ako," pagpapaalam ni Eliza bago lumabas ng opisina ko para iwan kaming dalawa ni Frances. Isang kiming tango lang ang isinagot ko sa kanya habang pa rin naaalis sa kaibigan ko ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple