A/N: Enjoy reading!
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)
'til next time!
========================================
Isa-isang nagpasukan sina Aiden, Vance, Stiles, at Dwight sa PUB. Nalaman kasi nila sa kaibigan nilang may-ari ng naturang club na andun daw si Chino, lasing na lasing at naghahamon ng away sa mga customers na lalaki ng PUB.
And true to what their friend said, naabutan nila si Chino na nakikipagsuntukan sa limang naglalakihang lalaki. Pilit itong inaawat ng mga bouncers ng bar pero pati yung mga bouncers ay inaaway na nito.
Mabilis pinigilan nina Aiden ang kaibigan nila.
"Chino! Ano ba! Tama na!", pananaway dito ni Vance.
"Mga pare, pagpasensyahan niyo na ang kaibigan namin. Lasing kasi e.", paghingi ng paumanhin ni Stiles sa mga lalaking kaharap nila.
"Pagsabihan niyo yang kaibigan niyo a!", galit na sigaw ng isa sa mga lalaking hinamon ni Chino.
"Bitawan mo ko Vance!", galit na sigaw ni Chino habang pilit kumakawala mula sa pagkakahawak sa kanya ng kaibigan.
"Stop it you dipsh-t!", baling dito ni Dwight na seryosong-seryoso ang mukha. He actually looked annoyed. "Dito mo pa talaga napiling mag-eskandalo.", dugtong ni Dwight sa sinasabi.
"SHUT UP BUENAVIDEZ!", angil ni Chino dito.
"ANO BA CHINO!", galit na ring sigaw dito ni Vance nang magtangka itong atakihin si Dwight.
"Gusto mo ng away? Sa labas nating gawin, wag dito.", baling dito ni Aiden na seryosng-seryoso rin ang mukha. Nauna na siyang lumabas at nagsunuran ang iba. Hila-hila nina Stiles at Vance si Chino dahil ayaw pa nitong umalis.
Sa may private parking lot ng bar sila pumunta. Walang ibang tao maliban sa kanila. Tinawag nina Aiden at Dwight ang mga bodyguards nila para ang mga ito ang makatunggali ng kaibigan nila na hanggang sa mga oras na yun ay ayaw paawat.
"Don't hold back.", utos ni Aiden sa tatlong bodyguards nito.
"Punch the hell out of him.", sabi naman ni Dwight sa apat na bodyguards nito.
7 versus 1 ang laban. Hindi patas, oo pero ayaw kasing magpaawat ni Chino kaya binigyan nila ito ng mas maraming kalaban. Baka sakaling lumamig na rin ang ulo nito pag nabugbog ito ng mga bodyguards nina Aiden at Dwight na halata pa rin ang iritasyon sa kanilang mukha dahil sa inaakto ng kaibigan nila.
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple