Lady - 6: Almost

147K 3.7K 403
                                    

A/N: ENJOY READING!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)


=======================================


(Ice's P.O.V)


"Mama, malapit na pala yung Family Day namin sa school.", napatingin ako kay Aaron na nakatingin din sa akin.


"Kailan nga ulit yun baby?", tanong ko bago ko pinagpatuloy yung paglalagay ko ng pagkain sa plato niya.


"Sa Friday na po.", Aaron


"Ganun ba? O sige, sa Friday lulutuin ko lahat ng mga paborito mong foods at ipapatikim natin sa mga kaklase mo. And magbe-bake rin ako ng cake.", nakangiting sabi ko na nagpaningning sa mata niya.


"Really mama?", ngiting-ngiti at halatang excited na tanong niya.


Nakangiting tumango ako. "Pero susunod na lang si mama sa Friday ha? Si lola muna ang sasama sa'yo.", napatingin siya sa lola niyang nakangiting nakikinig sa amin. "May tatapusin lang na work si mama then susunod agad ako. Promise."


"Okay mama. Pero mama, sabi ni teacher maghanda raw kami ng performance kasama ang mga daddy namin.", natigilan ako sa sinabing yun ni Aaron.


Performance with their father? Takte. Paano na 'to?


"Ahm anak... di ba pwedeng si mama na lang ang kasama mong mag perform?"


Di sumagot si Aaron, basta nakatingin lamang siya sa akin. At parang sinuntok ng paulit-ulit ang puso ko nang makita kong lumungkot ang mukha niya.


"Mama, bakit po kasi wala akong papa?", nalilitong tanong niya pero kakikitaan pa rin ng lungkot ang mukha niya.


Di ako nakakibo, hindi ko rin kasi alam kung anong isasagot ko sa kanya...


Napatingin ako kay mama na nag-aalalang nakatingin sa akin.


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Di ko alam kung paano ipapaliwanag kay Aaron kung bakit wala siyang ama...


Minsan na rin akong tinanong dati ng anak ko kung bakit wala siyang ama pero mabilis kong napalitan yung topic nung panahong yun at di na rin ulit niya ako tinanong tungkol doon. At ngayon nga, heto at tinatanong niya ulit ako pero hindi ko alam kung anong isasagot ko.


"Anak... ano... kasi...", napalunok ako. Paano ko ba kasi ipapaliwanag sa kanya kung bakit di namin kasama ang papa niya? Natatakot akong baka masaktan siya pag nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit di namin kasama ang papa niya. Iyon din ang rason kung bakit ayaw kong pinag-uusapan ang tungkol sa ama niya. Simula nang dumating si Aaron sa buhay ko, siya na ang naging sentro ng mundo ko. Siya na ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko kaya ayaw ko siyang nasasaktan. Ako na lang ang masaktan, wag lang siya. "Ang papa mo kasi anak... ano... nasa malayong lugar siya."

My Bossy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon