Special Chapter

111K 2.1K 229
                                    


A/N: Sorry guys kung matagal bago ko nagawan ng Special Chapter ang My Bossy Lady. Salamat sa mga readers na matiyagang naghintay para sa SC na ito :) I LABYOW ALL!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)


THANK YOU GUYS!


======================================


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(Ice's P.O.V)


"Eliza, ayos na ba yung order ni Mr. Soberano?"


"Yes ma'am."


"That's good." I heaved a sigh. Kapapasok ko lang dito sa Sweet Haven at wala pa akong ginagawa pero nakakaramdam na ako ng pagod. Hinila ko yung swivel chair dito sa opisina ko saka umupo para makapagpahinga.


"Ma'am, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong naman ni Eliza. Mukhang napansin din niyang meydo kinakapos ako ng hininga.


Iba na talaga pag buntis, ang bilis mapagod. Idagdag pang kabuwanan ko na ngayon. Gayun pa man, pumapasok pa rin ako rito sa shop ko. Nababagot kasi ako sa bahay. Kaya kahit matindi ang pagtutol ng asawa ko maging ni mama, hindi nila ako mapigilan. Kahit kasi wala rin akong masyadong ginagawa rito sa shop, at least hindi ako nakakulong sa mansion.


"I'm fine Eliza. Sige na, go back to work," I told her.


"Sige po ma'am. Tawagin niyo lang po ako pag may kailangan kayo." Pagkasabi niya nun ay lumabas na rin siya para asikasuhin ang mga customers ng Sweet Haven.


Ako, naiwan pa rin na nagpapahinga. Nalipat naman ang tingin ko sa aking bag nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Agad kong inabot yung bag ko saka nilabas mula sa loob yung cellphone. Pagtingin ko sa screen, mukha at pangalan ni Chino ang naka-display.


Hindi ko mapigilang mapangiti at mapa-iling at the same time. Pang-sampung tawag na kasi niya ito simula nang pumasok siya kanina sa ParkCom. And take note, ngayong umaga palang 'to ha?


"Chino," bungad ko sa kanya pagpindot ko sa 'answer' button.


My Bossy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon