A/N: Sorry guys kung sobrang tagal ng UD. Busy e. Andyan yung review at exam. SALAMAT na lang sa mga readers na matiyagang naghihintay sa UD :) Wag kayong mag-alala, tatapusin ko 'to bago mag-2017 HAHAHAHA! LABYU GUYS!
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)
'Till next time!
FB PAGE: MOONLIGHTPURPLE'S STORIES
===================================
(Ice's P.O.V)
"Chino..." hindi pa rin makapaniwalang usal ko sa pangalan niya. Akala ko kasi, sa bukas pa siya darating kaya paanong andito siya ngayon?
Wala pa ring nagbabago sa ekspresyon ng kanyang mukha nang lumapit siya sa amin ni Jaime saka walang babalang inalis niya yung kamay nitong nakahawak pa rin pala sa akin. "Are you okay?" tanong niya sabay hila sa akin palapit sa kanya pero hindi pa rin niya inaalis ang kanyang pagkakatingin kay Jaime.
"I'm fine..." Andun pa rin yung takot ko sa maaaring mangyari ngayong nagkaharap na silang dalawa. Mas nakadagdag pa sa takot ko yung galit na nakikita ko pa rin sa mga mata ni Chino. Bibihira ko lang kasi talaga siyang makitang magalit. He had always been so playful, that's his usual self. Kaya ibig sabihin lang nun, galit talaga siya ngayon. "Let's go Chino," pagyaya ko na sa kanya bago pa may mangyaring hindi maganda. Ramdam ko kasi yung tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Jaime.
"Ah... so you're the infamous Chino," biglang sabi ni Jaime kaya napabaling ako sa kanya.
"Umalis ka na," seryosong sabi ko sa kanya pero nginisihan lamang niya ako.
"Bakit naman? Gusto ko pang makilala itong fiancé mo," aniya bago binalik ulit ang tingin kay Chino. "Sa pagkakaalam ko, ikaw yung ex-boyfriend nitong si Ice na nanakit lang sa kanya noon. Ang lalaking rason kung bakit natakot na siyang umibig pang muli. Pero heto't nagkabalikan pa rin pala kayo at magpapakasal pa."
Humigpit yung pagkakahawak ni Chino sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko kung papaano siya napatiim-bagang.
"Alam mo, matagal na kitang gustong makilala sa personal. Gusto ko kasing makilala kung sino yung rason kung bakit natakot na muling magmahal noon si Ice pagkatapos lang siyang paglaruan nung naging unang nobyo niya," nang-iinis pa ring pagpapatuloy ni Jaime. "Kahit anong panliligaw ko kasi sa kanya noon, wala pa rin. Masyado ata kasing malalim yung iniwan mong sakit sa kanya."
"Ano ba Jaime! Tama na! Umalis ka na!" singhal ko sa kanya. Naghahanap talaga ng gulo ang lalaking 'to!
Umiling si Jaime saka ako naman ang sumunod na tinignan niya. "Hindi ko talaga malaman kung ano bang meron siya kaya kahit sa kabila ng mga ginawa niya sa'yo noon, binalikan mo pa rin siya. Dahil ba mayaman siya?" Naikuyom ko ang dalawang palad ko sa narinig ko pero mas pinili ko pa ring wag siyang patulan. Pero itong hayop na 'to, ayaw talagang tumigil. "Ah, oo nga pala. Baka dada ako ng dada rito pero hindi mo ako kilala. Jaime Soriano nga pala pare," prenteng-prente pang pagpapakilala niya sa kanyang sarili kay Chino na hanggang sa mga oras na 'to ay tahimik pa rin pero ramdam ko ang pagtitimpi niya. "At baka hindi rin nasasabi sa'yo ni Ice pero ako ang ama ni Aaron."
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple