A/N: THANK YOU sa patuloy na pagsuporta ninyo sa story na 'to kahit matagal ang UD :)
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)
ENJOY READING! Until next time!
=====================================
(Ice's P.O.V)
One week na rin ang lumipas simula nang magkaayos at magkabalikan kami ng tuluyan ni Chino. At simula nga ng magkabalikan kaming dalawa, nagsimula na ulit akong maging masaya. Nang maghiwalay kasi kami ni Chino, talagang na-blangko ang puso ko. Parang namanhid. Hindi ko tuloy malaman kung papaanong maging masaya ulit o kung mararamdaman ko ba ulit talaga ang maging masaya. Then Aaron came into my life. Siya ang naging rason kung bakit naging masaya ulit ako. Pero kahit ganun, ramdam ko pa rin na parang may kulang. Na hindi pa rin buo yung sayang nararamdaman ko. At nung mga panahong yun, alam ko kung bakit ganun ang nararamdaman ko. Alam ko kung sino ang kukumpleto ng kasiyahan ko, pero mas pinili kong wag bigyang pansin ang pakiramdam na yun. All these time, before Chino and I got back together, I chose to ignore the emptiness I'm feeling inside me. Pero ngayon, kumpleto na talaga ang kasiyahan ko.
"MAMA! MALAPIT NA PO BA SI TITO CHINO?" Naputol ako sa pagmumuni-muni ko dahil sa malakas na sigaw na yun ni Aaron. Ilang sandali lang, pumasok siya sa loob ng kwarto ko. "Mama, asaan na daw si tito Chino?", tanong ulit niya. Halata rin ang excitement sa tono ng kanyang boses.
"Malapit na raw siya baby, wag kang mag-alala.", natatawang sagot ko. Di ko rin masisi ang anak ko kung bakit sobrang excited siya. Pupunta kasi kami ngayon sa Palawan para magbakasyon doon ng tatlong araw. Si Chino ang nag-organize ng bakasyon na 'to at kasama rin ang mga kaibigan namin.
"Okay!", aniya at lumabas na ulit siya sa kwarto ko. Napangiti na lamang ako at pinagpatuloy yung pag-iimpake ng mga damit namin. Hindi makakasama sa amin si mama dahil ngayon darating yung best friend niyang si tita Amelia mula sa Singapore. Matagal na rin silang hindi nagkikita kaya gusto nilang mag-bonding lalo pa't 5 days lang dito si tita. At ngayon nga, nasa airport na si mama, hinihintay siya.
Saktong tapos na ako sa pag-iimpake nang marinig ko ulit si Aaron na sumisigaw sa may sala. "TITO CHINO!"
I felt my heart skipped a beat when I heard Chino's name. Napailing naman ako sa naging reaksyon kong iyon. Hindi na kasi ako teenager kagaya dati pero yung epekto ni Chino sa akin, hindi pa rin nagbabago.
Lumabas na ako sa kwarto ko at naabutan ko nga sa sala si Chino na buhat-buhat si Aaron. Agad niya akong nginitian nang mapatingin siya sa direksyon ko. "Hi baby. You ready to go?", he asked.
"Ah, oo.", sagot ko.
Bingalingan niya si Aaron at ito naman ang tinanong niya. "Ikaw sport, ready ka na rin?"
"Kanina pa, tito!", ngiting-ngiti and at the same time, excited na sagot ni Aaron na ikinatawa ni Chino.
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
أدب نسائي[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple