A/N: THANK YOU guys sa patuloy na pagsuporta ninyo sa story'ng 'to kahit matagal ang UD :) LABYU!
FB PAGE: Moonlightpurple's Stories
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)
Till next time!
===========================================
(Ice's P.O.V)
Kanina pa ako nandito sa may parking lot ng restaurant kung saan kami magkikita ni Jaime pero hindi pa rin ako bumababa sa kotse ko. Nang mag-usap kami kahapon, inimbitahan niya akong makipagkita sa kanya ngayong araw. At ako naman si tanga, pinaunlakan ko ang imbitasyon niya.
Haaay! Tama ba 'tong desisyon kong makipagkita sa kanya ngayon?! Hindi ko rin malaman kung bakit ako kinakabahan. Wala naman kasing rason para kabahan ako. It's not like I'm cheating on Chino sa pakikipagkita kong ito kay Jaime. Pero ewan ko ba, ang bilis pa rin ng pagtibok ng puso ko sa kaba.
Siguro dahil sa tagal ng panahon na hindi pagpapakita o pagpaparamdam man lang ni Jaime ay heto't bigla siyang sumulpot ulit sa buhay ko... at sa buhay ni Aaron. At sabi pa niya, kakausapin niya ako tungkol sa anak ko. Ano naman kaya ang gusto niyang pag-usapan tungkol kay Aaron?
Isang malalim at mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko muna bago tuluyang bumaba sa aking kotse at naglakad papasok sa may restaurant.
"Good day ma'am, may reservation po?" tanong kaagad sa akin ng empleyado na nasa front desk ng restaurant.
"Yes. Jaime Soriano," sagot ko.
"Wait lang po ma'am," saka niya hinanap yung pangalan ni Jaime sa kanyang notebook. "Miss Candice Laurel?" maya-maya'y tanong niya. Kiming tinanguan ko lang siya. Tumawag naman siya ng isang waiter. "Pa-assist na lang si ma'am," sabi niya rito.
"This way ma'am." At hinatid na ako nung waiter sa may private area ng restaurant na siyang kinaroroonan ni Jaime.
And at the sight of him, mas tumindi yung kabang nararamdaman ko. Sa may phone niya siya nakatingin kaya hindi niya nakikitang papalapit na ako. God! Calm yourself Ice, panenermon ko sa aking sarili. Humugot ulit ako ng isang buntong hininga pero hindi pa rin maalis-alis yung kaba ko.
Bakit ba kasi nakipagkita ngayon sa akin si Jaime? Sa haba ng panahong umalis siya sa buhay namin ng anak ko, bakit nagpakita ulit siya? Why now?! Maayos na kasi ang lahat sa buhay ko, bakit ngayon pa siya bumalik?! At anong gusto niyang pag-usapan namin tungkol kay Aaron?! Iyon ang mga tanong na nagpapaulit-ulit sa aking isipan habang naglalakad ako.
Biglang inalis naman ni Jaime yung tingin niya sa kanyang phone saka bumaling sa direksyon ko, na ikinagitla ko pa. Umayos ka nga Ice. Just calm yourself. Wag kang kabahan!
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple