A/N: SALAMAT sa patuloy na pagsuporta niyo sa story na 'to! Sana wag kayong bibitiw hanggang sa tuluyang matapos :)
=> FB PAGE: Moonlightpurple's Stories (para makita niyo mga pictures ng mga characters ko.)
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)
Till next time!
========================================
(Ice's P.O.V)
Pagmulat na pagmulat ng mata ko kinaumagahan, ang phone ko kaagad ang unang hinagilap ng kamay ko. Iyon na ang nakagawian kong gawin tuwing umaga lalo pa't alam kong palaging may naghihintay na text message mula kay Chino. At gaya nga ng inaasahan, may isang text message akong natanggap mula kay Chino pagbukas ko nung phone ko.
'Good morning baby! Call me as soon as you read this.' Iyon ang unang laman ng text niya. Di ko naman napigilang mapakunot-noo dahil sa huling sinabi ng text niya. Pero nagtataka man, sinunod ko na lamang siya. Agad ko siyang tinawagan.
["Hi baby! Good morning!"] masiglang bati kaagad sa akin ni Chino pagkasagot niya nung tawag ko.
"Good morning," bati ko pabalik. "So... why did you want me to call you?" nagtatakang tanong ko.
Narinig ko namang napabuntong-hininga siya bago ako sinagot, ["Baby, magpapaalam sana ako sa'yo,"] aniya.
Magpapaalam sa akin? "What do you mean? Aalis ka ba?"
["Yeah. I'll be going to Denmark today and I'll be staying there for a week. You know, for business,"] sagot niya.
Di agad ako nakapagsalita dahil sa gulat. Kagaya kasi nung high school reunion nila kahapon, ngayon-ngayon ko lang din nalalaman itong tungkol sa pag-alis niya. ["Candice, baby, you still there?"] untag niya sa akin at doon ko lang namalayan na natulala pala ako.
"Ahm," tumikhim muna ako bago nagpatuloy, "Yes, I'm still here."
["I'm sorry kung ngayon ko lang 'to sinasabi sa'yo,"] hinging paumanhin naman niya.
'Kaya nga. Bakit ngayon mo lang 'to sinasabi sa akin? Di ko tuloy napaghandaan. Tapos one week ka pang mawawala,' sagot ko sa isipan ko pero iba ang lumabas sa bibig ko. "No, it's okay." Medyo may kahabaang katahimikan din ang sumunod na namagitan sa amin pagkatapos nun. Pero maya-maya lang ay binasag din yun ni Chino.
["Don't miss me too much baby,"] aniya sa halatang nanunuksong tono. Looks like he's trying to lighten up the mood.
I hissed. "Wag kang feeling. Di kita mami-miss 'no. I'm actually relieved kasi isang linggo ring matatahimik ang buhay ko dahil wala kang mangungulit sa akin," I retorted.
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple