A/N: THANK YOU sa mga readers na patuloy na sumusuporta sa story na 'to kahit matagal ang UD :) Love you guys!
Don't forget to to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)
Till next time!
=======================================
(Ice's P.O.V)
Pakiramdam ko, sobrang bagal ng chopper na pagmamay-ari ni Stiles na siyang sinasakyan ko pabalik ng Manila. Paglabas ko kanina sa hotel ay sinalubong kaagad ako ng mga tauhan ng mga kaibigan ni Chino at dinala nila ako sa Loakan airport kung saan naghihintay nga itong chopper para sa akin.
Lord, sana po maging maayos ang lagay ni Chino. Ayoko pong mawala siya sa akin. Wag niyo po siyang kunin sa akin, wag po ngayong nalaman ko na ang totoo. Please Lord, don't take Chino away from me. Hayaan niyo pong masabi ko sa kanya na mahal ko pa rin siya, na makasama ko ulit siya. Pinagsisisihan ko na pong hindi ko siya binigyan noon ng pagkakataon para magpaliwanag. Gusto ko pong makahingi ng tawad sa kanya sa ginawa kong yun at sa pag-iisip kong niloko lang niya ako kaya wag niyo pong kunin sa akin si Chino. Please Lord, I'm begging you..., piping panalangin ko habang nasa himpapawid pa rin kami. Bakit ba kasi hindi pa rin kami nakakarating sa Manila?! Gusto ko ng makita si Chino, gusto kong masigurado na okay na siya!
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang lumapag ang chopper sa isang helipad. Mula sa di kalayuan ay mayroong naghihintay na isang kotse na siyang naghatid sa akin sa hospital. Pagkarating namin doon ay patakbo kong tinungo ang kwarto ni Chino at di ko na lang binibigyang pansin ang mga taong napapatingin sa akin.
Mula sa labas ng kwarto ni Chino ay naabutan ko roon si Jewel na mukhang hinihintay talaga ang pagdating ko. Nang mapatingin siya sa akin ay nakita kong mugto kanyang mata, mukhang kagagaling lang niya sa pag-iyak. "Ice...", usal niya sa pangalan ko nang mapatingin siya sa akin. Kababakasan din ng sobrang lungkot ang kanyang mukha dahilan para mas kabahan ako.
Kahit parang may bumabara sa aking lalamunan, pinilit ko pa ring magsalita. "S–Si Chino? K–Kumusta na siya?", tanong ko.
Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "Let's go inside.", yaya niya imbes na sagutin ng diretso ang tanong ko.
Ramdam ko naman ang pangangatog ng tuhod ko habang papasok kami sa loob ng kwarto. Pakiramdam ko, parang hihimatayin na ako ano mang oras dahil sa sobrang kaba. Lahat sila – ang magulang ni Chino, ang mga kaibigan niya, at si Chloe, ay napalingon sa aming dalawa ni Jewel. Umiiyak si tita Charlotte nang mapatingin ako sa kanya. Si sir Cedrick naman, kakikitaan ng lungkot ang kanyang mukha. Ganun din ang mga kaibigan ni Chino na sina Aiden, Stiles, Vance, Dwight, at Ian. Si Chloe ay kagaya rin ni tita Charlotte na umiiyak.
Napalunok ako saka dahan-dahan kong inilipat ang aking tingin kay Chino. Natakpan ko ng wala sa oras ang bibig ko nang makita ko ang itsura niya. Maraming aparato ang nakakabit sa kanya habang may benda pa ang kanyang ulo. Pakiramdam ko, parang may sumasaksak sa aking puso habang nakatingin ako ngayon sa kanya. Chino..., nasambit ko sa aking isipan. Di ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple