Lady - 8: Fear

135K 3.7K 273
                                    

A/N: I know, matagal ang UD. Sa wala akong pang load sa broadband ko e HAHAHA. Kung gusto niyo ng araw-araw na UD, mag volunteer kayong taga-LOAD ko. Edi problem solved! ^_^


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS. You can FOLLOW ME if you want to :)


ENJOY READING! 'til next time!


======================================


(Ice's P.O.V)


"I'm really sorry sir Cedrick pero hindi ko na po talagang kayang turuan si Chino.", walang paliguy-ligoy na sabi ko kay sir Cedrick nang pumunta ako rito sa bahay nila para kausapin siya tungkol sa plano kong pag quit bilang adviser ni Chino.


"May ginawa ba yung anak ko na hindi mo nagustuhan, Ice?", seryosong tanong sa akin ni sir Cedrick.


"A–Ah, wala naman po sir pero..."


"Kung gayon, bakit gusto mong mag quit bilang adviser niya iha?", tanong ulit niya.


Napa-iwas ako ng tingin. Dahil ayoko itong pinaparamdam ulit niya sa akin. Gusto kong lumayo na sa kanya bago pa niya tuluyang mabuwag ang pader na ginawa ko para ma-protektahan ko ang sarili ko mula sa kanya. Ayokong masaktan ulit niya. Tama na yung minsang nasaktan niya ako noon, iyon ang gusto kong isagot kay sir Cedrick pero mas pinili kong wag yun sabihin.


"Kasi sir, medyo napapabayaan ko na yung bakery shop at kasisimula palang nung business ko. Gusto ko talagang tutukan yung shop ko.", rason ko.


Hindi naman kumibo si sir Cedrick, basta nakatingin lang siya sa akin. Di ko tuloy mapigilang mailang.


Isang buntong hininga ang pinakawalan ni sir Cedrick bago nagsalitang muli. "Ice, alam mo ba kung bakit ikaw ang pinakiusapan kong maging adviser ni Chino?", tanong niya na nakapagpatigil sa akin.


Maya-maya ay umiling ako.


"He requested it. O mas tama sigurong sabihin na iyon ang hiniling niyang kapalit sa pagtanggap niya ng posisyon ko.", sagot ni sir Cedrick na ikinalito ko.


"Ano pong ibig niyong sabihin, sir?", naguguluhang tanong ko.


Ngumiti siya. "Noon pa man, di na talaga interesado si Chino na pamunuhan ang kompanya ng pamilya namin. Ang gusto kasi niya, magtayo ng sarili niyang kompanya. Kaya niya itinayo ang Light Speed. Dahilan para mas tanggihan niya ang pagmana ng posisyon ko sa ParkCom. Pero nang banggitin ko ang pagtratrabaho mo sa ParkCom, nag-iba ang desisyon niya. Hindi kasi alam ni Chino na sa ParkCom ka nagtratrabaho. He just knew about it recently.", pagkwe-kwento ni sir Cedrick.


Nanatili naman akong walang imik at nakikinig lang sa kanya.


My Bossy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon