A/N: Enjoy reading! Until next time! (Please lang, wag niyo akong i-pressure at baka bigla akong mawalan ng gana. Medyo may pinagdadaanan kasi ako, wag niyo ng dagdagan pa sa pang pre-pressure sa akin. I always try my best naman para makapag UD.)
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) You can FOLLOW ME if you want to! :)
=======================================
(Ice's P.O.V)
"Ma, wag mong kalimutang pumunta sa school meeting mamaya sa school namin okay?", pagpapaalala ulit sa akin ni Aaron habang tinutulungan ko siyang isuot ang kanyang school uniform.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ilang ulit na ba kasi niyang inuulit sa akin yung tungkol sa school meeting sa school nila? Pang limang beses na ata ito. Di ko rin siya masisi kung paulit-ulit ang pagpapaalala niya sa akin dahil nitong mga nakaraang araw ay naging busy talaga ako. Baka iniisip niya, dahil sa sobrang pagka-busy ko ay makalimutan ko yung meeting na sinasabi niya.
"Anak, pupunta si mama. Hindi ko yun makakalimutan. Makalimutan ko na lahat, pero hindi yung meeting sa school ninyo.", nakangiting sabi ko sa kanya.
"Promise?", aniya habang nagpapaawa sa akin yung may kasingkitang mata niya.
Naku 'tong batang 'to! 6 years old palang pero marunong ng magpa-cute!
Nadali na! Sigurado ako, maraming babae ang papaiyakin ng isang 'to paglaki niya. Hay, sakit ng ulo yun pag nagkataon.
Napailing ako sa iniisip ko. Hay naku, saka ko na lang iisipin ang tungkol doon.
"I promise.", sabi ko sa kanya na ikinangiti niya, dahilan para lumabas ang magkabilang biloy sa pisngi niya.
Natigilan ako. Sa tuwing ngumingiti sa akin si Aaron at nakikita ko yung biloy niya, may isang taong pumapasok sa isipan ko kahit hindi ko gusto. Oh, let me correct that. May isa palang animal na pumapasok sa isipan ko. Unggoy to be exact. Pati kasi siya, may biloy sa magkabilang pisngi niya sa tuwing ngumingiti siya.
"Mama?", untag sa akin ni Aaron kaya napatigil ako sa pagmumuni-muni ko.
"H-Huh? Ba-Bakit, anak?"
Napasimangot si Aaron. "Mama naman e! Hindi ka nakikinig!", sabi niya.
Napatawa ako. Hay, ang cute-cute lang talaga nitong anak ko. "Sorry na po.", natatawa pa ring sabi ko. "Ano ba kasi yung sinasabi mo kay mama?"
"Sabi ko po, turuan mo akong mag-draw ng monkey mamaya kasi sabi ni teacher na i-draw namin yung animal na nagustuhan namin noong pumunta kami sa zoo last week.", sagot niya.
Unggoy? Unggoy talaga?
![](https://img.wattpad.com/cover/45444933-288-k204119.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
أدب نسائي[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple