Chapter 10

5.4K 115 7
                                    

Hola! This is the new Chapter 10. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!

Enjoy reading!

READ. COMMENT. VOTE!

#FFTBG

- Queen A 


---*---

---*---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 10


Kath's Point of View


Wala masyadong traffic kaya mabilis rin kami nakarating sa bar ni Ate Kezh. Nauna ang kotse kong nakarating tsaka sila sunod-sunod na dumating. Nagpark na kami tsaka sabay-sabay na bumaba dala-dala ang mga gamit namin.


"Nice bar" puna ni Seth habang nililibot ang mata sa paligid. Nasa labas palang kami niyan. Malaki kasi ang bar ni Ate Kezh, at kahit nandito ka sa labas ay rinig mo parin ang mga tugtog sa loob.


"Mas maganda pa sa loob yan!" excited na komento ni Juls.


"Tara na! Walwalan na mga bregs!" naeexcite na wika ni Katsumi na halatang atat na atat ng makapasok sa loob. Natawa nalang kami sa pinagsasabi niya, halatang natutuwa sa mga nakikita niya.


Nalaman rin kasi namin na kasama pala sila ni Kuya sa States at ngayon lang rin daw sila nakarating dito kasabay ni Kuya. Minsan ng nakwento sa akin ni Kuya ang mga kaibigan niya sa States that it turns out ay sila Kats pala. Sabi nga ni Kuya, sila daw ang boy version namin.


"Tara na" aya ko tsaka naunang maglakad. Ramdam ko naman na mga nakasunod sila sa likod ko.


Binati kami nina Elle ng gwardya since kilala na kami dito at isa pa, kaibigan namin si Ate Kezh. Pagkapasok ko palang sa pintuan ay binati na ako ng ibat-ibang kulay ng ilaw at ingay. May mga ilang bumati sa amin na tinanguan ko lang habang sina Elle naman ay may pakaway-kaway pa. Samantalang sina Kuya naman ay nakasunod lang sa amin habang manghang-mangha.


"OMG! Kathreeeeng!"


Tsk. That voice and pitch. Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng tumawag sa akin. At tama nga ang hinala ko. Ang maingay na si Ate Kezh.

Falling for the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon