Hola! This is the new Chapter 7. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!
Enjoy reading!
READ. COMMENT. VOTE!
#FFTBG
- Queen A
---*---
CHAPTER 7
Kath's Point of View
Pagkasabi nun ni Kuya ay agad kaming bumaba para ibalita sa iba. Sabi ni Kuya nasa may court daw sila dito sa Village nakatambay kaya napagdesisyunan namin--- este nila, na puntahan nalang daw sa court. Tsk, hindi man lang hiningi ang opinyon ko! Katamad kayang lumabas at maglakad! Isa pa, mamaya may makasalubong kaming mga masamang hangin. Tsk!
Lumabas na kami ng bahay at naglakad na. Pasalamat sila at hindi na tirik yung araw kundi, tatamaan ang mga ito sa akin. Tsk.
"Quen mga pogi ba yang tropa mo?" biglang tanong ni Kiray habang naglalakad kami. Nagtawanan naman sila sa tanong ni Kiray. Napaka harot talaga nito.
"Oo mga pogi yun pero mas pogi ako" sabay naman kaming napa-irap ni Liza sa sagot ni Kuya.
"Hambog talaga" bulong ni Liza na narinig naman naming lahat. Nilingon naman ito ni Kuya at binigyan ng isang mapang asar na ngiti.
"Nandyan ka pala? Hindi kita napansin ah" pangaasar ni Kuya. Oh god! Mga galawan ni Kuya!
"Tanga ka kasi" ganti ni Liza.
"Tanga sayo" banat naman ni Kuya. Ugh. Galawang breezy.
"Kilabutan ka nga!" nandidiring saad ni Liza pero hindi nakatas sa paningin ko ang mabilis na pagpula ng mga pisngi ni Liza na agad lang niya tinago. Hmmm. Malansa.
"Ay taray, harap-harapang landian, respeto naman sa puso ko aba!" pakiki-epal ni Kiray kaya napunta sa kanya ang atensyon ng dalawa at naputol ang bangayan nito. Bitter na nga, epal pa.
"Porke walang pumapatos sayo" pang aasar ni Kuya. Oh. Burn!
BINABASA MO ANG
Falling for the Bad Girl
Fiksi Penggemar(FORMER 'CAMPUS BAD GIRLS MEETS CAMPUS BAD BOYS) Meet Kathryn Chandria Bernardo, isang certified bad girl sa St. Agatha Academy. Kasama ang mga kaibigan niyang sina Julia, Liza at Kiray at ang pinsan niyang si Ella, ay lubusan sila...