Hola! This is the new Chapter 54. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!
Enjoy reading!
READ. COMMENT. VOTE!
#FFTBG
- Queen A
---*---
CHAPTER 54
Kath's Point of View
Pasukan na naman. Grabe ang mga ganapan kahapon. Halos hindi namin pinasukan ang buong klase nung kahapon, puro cutting ang naganap sa amin. At higit sa lahat, nakanood pa ako ng live kissing scene kahapon sa park. WTH. A kiss under the rain ang peg ng dalawa. Napailing nalang ako sa mga naalala ko. Well, whatever, basta masaya ako para sa kanilang dalawa. Masaya ako dahil graduate na ang kapatid ko sa torpe university, achievement yun para sa kanya!
Matapos ng live nila Kuya kahapon ay umalis na ako, baka kasi may makita pa akong hindi ka nais-nais. Dumiretso na ako sa bahay since ilang lakad lang naman na. Tinext ko nalang si Liza na nauna na at pati sina Elle, dahil paniguradong nag alala ren ang mga yun.
Napag alaman ko naman kay Juls ang ganap kay Kiray at Katsumi. Umamin pala ang gaga, hindi man lang ako ininform. Sobrang daming ganap kahapon at ngayong araw namin makikita ang epekto neto.
Late na ako umalis ng bahay namin. Ako ang pinakahuli samantang nauna pa sa sakin yun iba, late kasi akong nagising. Masyado akong naloka sa mga kaganapan kahapon kaya hindi agad ako nakatulog kaya ito ako ngayon, ako ang pinakahuling dumating sa SAA. Buti nalang kamo hindi pa ako late. Pag pasok palang sa room namin ay ramdam ko na ang kakaibang atmosphere.
"Oh Kath late ka nanaman?" bungad sa akin ni Pat na nginitian ko lang. Agad namang nadako ang paningin ko sa kapatid ko at kaibigan kong naglalampungan.
"Umagang-umaga naghaharutan kayo. Mahiya nga kayo" sita ko sa kanila na ikinatawa naman nila. Inirapan ko lang sila tsaka dumiretso sa upuan ko katabi si Dj.
"Kath you didn't tell me about Quen's feelings. Alam mo pala" biglang saad ni Liza. Napataas naman ang kilay ko nang marinig kong tinawag niyang 'Quen' si Kuya. Naks. Asensado si Gago.
BINABASA MO ANG
Falling for the Bad Girl
Fanfiction(FORMER 'CAMPUS BAD GIRLS MEETS CAMPUS BAD BOYS) Meet Kathryn Chandria Bernardo, isang certified bad girl sa St. Agatha Academy. Kasama ang mga kaibigan niyang sina Julia, Liza at Kiray at ang pinsan niyang si Ella, ay lubusan sila...