Hola! This is the new Chapter 57. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!
Enjoy reading!
READ. COMMENT. VOTE!
#FFTBG
- Queen A
---*---
CHAPTER 57
Dj's Point of View (CONTINUATION)
Sobrang humanga ako sa lakas ng loob ni Katsumi para magparaya. Tatanawin kong utang na loob ang ginawa niya at makaka asa siyang sisiguraduhin kong mapapa sa akin si Kath.
Kaya nang magkaroon kami ng barkada trip na handog sa amin ni Madame ay agad akong kumilos at nagparamdam sa kanya lalo na nung malaman ko ang mga nakaraan ni Kath. Mas gusto ko tuloy siyang alagaan. Gusto kong ako ang mag aalaga at magpapasaya sa kanya lalo na sa mga panahon malungkot siya.
Kumilos na ako nang mga panahon na iyon at pinasaya ko siya lalo na nung may naganap na aksidenteng sa kanya nung unang gabi namin sa beach house. Pero kahit ganon ay aaminin kong nakakaturn on ang pagiging sexy niya nung makita ko siyang nagtwo piece kahit may short pa siya at cardigan na nakapatong. Parang gusto ko tuloy siya isako at ipagdamot.
Binigyan ko si Kath ng isang anchor bracelet na katulad sa akin bilang remembrance para sa first date namen. Sisiguraduhin ko talagang kikilos na ako lalo na nung naging sina Quen at Liza.
"Oh ano Tol? Lutang ka nanaman! Oy!"
"Aray puta!" agad kong sinamaan ng tingin si Quen na binatukan ako. Langya ito, pasalamat siya kapatid siya ng taong mahal ko. Tsk.
"Seryosong tanong Dj wala ka parin bang balak kumilos?" saad ni Kats.
Inirapan ko muna ito bago sumagot. "Kumikilos na ako. Wag kasi kayong atat. Tsk"
Napanganga naman sila sa sinabi ko hanggang sa unang makabawi si Katsumi at tumayo-tayo pa habang winawagayway ang unan habang sumisigaw na kala mo takas sa mental.
"OH! KITA NIYO YAN MGA BES! ANO KAYONG DALAWA NGAYON?! NYEHEHEHEHE! WALA!! MGA TENGGA NA KAYO! KUMIKILOS NA SI FAFA DJ PERO KAYO?! NYEHEHEHEHEHEHEHEHE! WALA NAAAA!! TENGGA NA KAYO!! WEAAAAAKKK!!" pang aasar ni Katsumi kina Seth at Pat na binato lang siya ng unan. Bahagya naman akong natawa sa kagaguhan nila.
BINABASA MO ANG
Falling for the Bad Girl
Fanfiction(FORMER 'CAMPUS BAD GIRLS MEETS CAMPUS BAD BOYS) Meet Kathryn Chandria Bernardo, isang certified bad girl sa St. Agatha Academy. Kasama ang mga kaibigan niyang sina Julia, Liza at Kiray at ang pinsan niyang si Ella, ay lubusan sila...