Hola! This is the new Chapter 47. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!
Enjoy reading!
READ. COMMENT. VOTE!
#FFTBG
- Queen A
---*---
CHAPTER 47
Kath's Point of View
Lumipas ang ilang minuto at nanatili lang ako sa balikat ni Dj habang tahimik na umiiyak. Walang sinabi si Dj, wala ren itong ginawa kundi hayaan lang akong umiyak sa balikat niya. Small efforts pero malaki na bagay neto sa akin. Gabi na nang magpasya kaming bumalik sa beach house. Tahimik kaming naglalakad habang hawak-hawak niya ulit ang kamay ko. Hinayaan ko nalang ito dahil nasanay na ren ako. Sabay kaming naglakad pabalik at pasado alas syete na kami nakarating sa beach house.
"Kath!" salubong sa akin nina Elle kaya mabilis kong binitawan ni Dj lalo na nung napansin kong napatingin dun si Elle at ngumisi sa akin. Tsk. Mang aasar nanaman ang isang 'to.
"Kath saan kayo galing?" tanong ni Julia.
"Oo nga Kath! Hindi man lang nagyayaya! Nakooo!" Dagdag pa ni Kiray.
"Kath pasalubong--- JOKE! NYEHEHEHE" agad na bawi ni Katsumi nang sinamaan ko ito ng tingin.
"Grabe buong araw kayo wala ni Dj ah!" saad ni Pat.
"KitKaaaaaat! I miss you----- ARAY! LANGYA! KABRUTALAN TALAGA!" daing ni Kuya nang mabilis kong hinampas ang tyan neto nung akmang yayakapin na ako. Tinawanan naman siya nina Kats.
"Kath saan kayo galing?" biglang tanong naman ni Liza sa tabi ko.
"Nag ikot-ikot lang" tipid kong sagot.
"Kath, Dj pumasok na muna kayo at magbihis na. Hayaan niyo muna ang mga yan. Dalian niyo para maumpisa na natin ang bonfire" biglang sabat ni Seth at dun ko lang napansin ang bonfire na nakahanda. Tumango nalang ako at pumasok na sa loob at ganun ren si Dj na kasunod ko. Pumasok na ako sa kwarto ng girls at naligo sandali tsaka nagbihis ng sweat shirt at shorts tsaka lumabas na ng beach house.
BINABASA MO ANG
Falling for the Bad Girl
Fanfiction(FORMER 'CAMPUS BAD GIRLS MEETS CAMPUS BAD BOYS) Meet Kathryn Chandria Bernardo, isang certified bad girl sa St. Agatha Academy. Kasama ang mga kaibigan niyang sina Julia, Liza at Kiray at ang pinsan niyang si Ella, ay lubusan sila...