Chapter 67

324 8 1
                                    

Hola! This is the new Chapter 67. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!

Enjoy reading!

READ. COMMENT. VOTE!

#FFTBG

- Queen A 


---*---

---*---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 67


Kath's Point of View


"Haaaaay! Nakakatuyo naman ng utak yung walangyang quiz natin!" reklamo ni Kiray sabay subsob ng mukha niya sa mesa.


Nandito kami sa cafeteria dahil break time namin. Kakatapos lang namin magquiz sa isang subject kaya ito sila, mga natuyuan ng brain cells.


"Sinabi naman namin sa inyo na magreview kayo diba?" sumbat ni Liza sa kanila habang napailing nalang ako. Mga tamad kasi mag aral kaya ayan, mga kulelat. Tsk.


"Mahirap kasi kahit anong review!" katwiran naman ni Kuya.


"Oo nga!" sabay na sang ayon pa ni Kiray at Kats.


"Tol nasa tao kasi yan. Kung hindi ka pursigido sa ginagawa mo tiyak na wala talagang mangyayari sayo" banat naman ni Seth na sinang ayunan namin nina Liza.


"Hindi naman kasi kami sing talino niyo kaya wag kayo magsalita na kala niyo ang dadali lang para sa amin na hindi biniyayaan ng talino tulad niyo" bwelta naman ni Julia .


"Kaya niyo naman kasi yan kung nag aaral kayo mabuti"


"E sa hindi nga namin kaya e!'


"Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan!"


At dyan nag umpisa ang pagtatalo nina Julia at Seth. Mukhang may susunod na sa yapak nina Katsumi at Kiray.


"Awat na yan, diba mga napagod kayo? Tara maglakad-lakad nalang tayo para makapagpahangin tayo" awat ko. Gusto ko kasi makalanghap ng hangin ngayon. Mahirap naman talaga ang quiz pero dahil nga nag review ako ay nasagutan ko talaga pero nakakapiga pa rin kaya ng utak. Tsk.

Falling for the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon