Chapter 49

329 8 1
                                    

Hola! This is the new Chapter 49. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!

Enjoy reading!

READ. COMMENT. VOTE!

#FFTBG

- Queen A 


---*---

---*---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 49


Kath's Point of View


"Wala na ba kayo nakalimutan?" tanong ni Seth matapos nila ipasok ang mga gamit namin sa compartment.


"Wala na" sagot naman namin nina Elle. Five thirty na ng hapon kaya napagdesisyunan na namin umuwi.


"Pumasok na kayo para makapagbyahe na tayo" anunsyo ni Seth kaya nagsipasok na kami at agad na pumunta sa mga pwesto namin.


"Oh Sister Liza? Bakit diyan ka? Dito ka diba?" rinig kong saad ni Kiray sa likod kaya napalingon ako.


Si Liza imbes na katabi niya sina Kuya, Kiray at Kats ay nasa likod ito katabi si Elle at Juls. Napataas naman ang kilay ko habang pinagmamasdan ko sila.


"Mas trip ko dito" tipid na sagot ni Liza sabay iwas ng tingin neto at tumingin nalang sa bintana. Hmm.


Lumipas ang ilang oras namin sa byahe na napuno ng ingay ni Katsumi. Yes. Siya ang pasimuno ng kaingayan dito sa van samantalang sponsor naman niya sina Kuya, Seth at Pat habang audience naman nila sila Elle, Juls, at Kiray samantalang nanatiling tahimik lang ako sa tabi ni Dj at pinakikiramdaman lang ang paligid ko.


"Do you want to sleep?" tanong ng katabi kong si Dj.


Ngumiti lang ako dito. "I'm fine. Hindi naman ako inaantok"


Nanatiling tahimik lang kami ni Dj throughout the ride samantalang nag iingay naman sina Kats. Pinapakiramdaman ko kasi si Liza. She's acting weird. Kaya sa kanya ko pinopokus ang atensyon ko. Minutes later ay nakarating na kami sa bahay namin. Alas onse pasado na nang mahatid kami nina Kuya sa bahay.


"Ayan lang ba gamit niyo?" tanong sa akin ni Kuya matapos niya ibaba mula sa compartment ang mga bagahe namin.

Falling for the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon