Hola! This is the new Chapter 37. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!
Enjoy reading!
READ. COMMENT. VOTE!
#FFTBG
- Queen A
---*---
CHAPTER 37
Kath's Point of View
Isang linggo ang lumipas nang umamin sa akin si Kats. Kung titignan mo ay parang walang nagbago. Ganun parin siya, makulit, monggoloid, abnoy, isa't kalahating tanga, pabida at higit sa lahat maingay. Yun, ganun parin siya. Walang nagbago sa amin. Aasarin niya ako, babantaan ko buhay niya, bubuwisitin niya ako, sasapakin ko siya. Ganun normal parin. Pero kung may magbago man sa amin ay yung mas naging sweet siya sa akin at ang pagappreciate ko sa mga maliliit na bagay na ginagawa niya sa amin.
"Kath tara na!" nabalik naman ako sa kasalukuyan nang bigla akong tawagin ni Juls. Masyado nanamang lumipad ang isip ko. Tumango nalang ako sumunod sa kanya.
Lunch na namin ngayon. Nauna na ang iba kami nalang pala ang natira ni Juls. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay panay bulungan ang naririnig namin. Puro puri at congratulations. Oo nga pala, kami ang nagchampion kaya ganyan sila sa amin.
"Kath! Juls!" sigaw ni Kuya sa amin pagkapasok namin sa cafeteria. Oh? Kumpleto na sila? Dumiretso na kami ni Juls at naupo na ako sa gitna nina Kuya at Dj.
"Oh" abot ni Dj ng chocolate cake sa akin. Agad naman nagningning ang mga mata ko at agad ko itong nilantakan. Oh lala~ heaven!
"Bakit ba kayo natagalan?" biglang tanong ni Seth habang kumakain kami.
"Eh si Kath kasi masyadong lutang" saad naman ni Julia na inirapan ko lang.
"Ok ka lang ba Ate?" tanong ni Elle na tinanguan ko lang at nagthumbs up pa habang kumakain ako.
"Kamusta na pala kamay mo Kath?" tanong naman ni Pat. Tinignan ko naman ang kanang kamay ko. Hmm.
"Ok na siya. Ayaw ko lang tanggalin yung bandage" tipid kong sagot.
BINABASA MO ANG
Falling for the Bad Girl
Fanfiction(FORMER 'CAMPUS BAD GIRLS MEETS CAMPUS BAD BOYS) Meet Kathryn Chandria Bernardo, isang certified bad girl sa St. Agatha Academy. Kasama ang mga kaibigan niyang sina Julia, Liza at Kiray at ang pinsan niyang si Ella, ay lubusan sila...