Chapter 19

4.6K 82 4
                                    

Hola! This is the new Chapter 19. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!

Enjoy reading!

READ. COMMENT. VOTE!

#FFTBG

- Queen A 


---*---

---*---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 19


Kath's Point of View


Ilang oras pa ay natapos ren ang kulitan namin sa garden. Basang-basa kaming lahat. At higit sa lahat sobrang ligalig ni Katsumi. Wala siyang pinalampas sa amin. Lahat binasa niya. Pero kahit ganun, masaya parin. Puno ng tawanan at kulitan. Masaya kaming lahat, pwera lang sa isa.


Kasalukuyan kaming naliligo ng mga babae. Umuwi na sina Kuya since mejo nasobrahan daw ang pagod nila kaya kami nalang naiwan dito nina Elle. Tapos na ako maligo at mag ayos. Tinignan ko ang orasan, gabi na. Hmmm.


Napagdesisyunan kong lumabas sa kwarto ko para puntahan siya. Matagal ko ng napapansin yung mga kilos niya. Balak ko naman talaga siya sana kausapin ng personal pero parating nawawala sa isip ko since marami kaming ginagawa ngayon. Hindi na ako kumatok pa at dire-diretsong pumasok sa kwarto niya.


"Walangya ka talaga Kathryn! Hindi ka talaga nausuhan kumatok" agad nitong bungad sa akin pagkapasok ko sa kwarto niya. Naabutan ko naman siyang nagsusuklay ng buhok niya sa harapan ng salamin niya. Tumayo naman ako sa likod niya at tinignan lang siya ng seryoso mula sa salamin.


"Hmmm. Oh? Ano problema natin Kath?" tanong nito nang mapansin niya ang mga tingin ko. Umiling nalang ako sa kanya at tsaka tipid na ngumiti.


"Ako ba talaga ang dapat tanungin niyan o ikaw?" balik tanong ko na ikinatigil nito. Sandali kaming binalot ng tahimikan. Literal na naging estatwa siya sa kinauupuan niya.


"A-Anong i-ibig mong sabihin K-Kath?" utal nitong tanong habang pilit na pinapangiti ang sarili. Kahit sino makakakita sa ngiti niya, masasabing peke. Geez. Kailan pa siya naging fan ng China? Tsk.


"Alam mo Julia, kung sila naloloko mo, pwes ibahin mo ako" sermon ko tsaka prenteng umupo sa kama niya. Nilingon naman ako nito at binigyan ng isang malungkot na ngiti. Hmm. Bumigay na.

Falling for the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon