Hola! This is the new Chapter 56. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!
Enjoy reading!
READ. COMMENT. VOTE!
#FFTBG
- Queen A
---*---
CHAPTER 56
Dj's Point of View (CONTINUATION)
Unang beses palang namin makapunta sa bahay nila ay agad kong nakilala si Kath. Marami akong nalaman sa kanya. Tulad ng tibay ng kanilang pagkakaibigan, galing niya sa pagluto, pagiging pilya niya, pagiging mapang asar, at ang pinaka tumatak sa akin ay ang pagiging banda nila magkakaibigan. Ang pagkanta at pagtugtog niya, ang malamig at kakaibang boses niya sa pagkanta na talagang nakakapang akit, instant turn on nanaman.
Laking tuwa ko nang yayain nila kami sa isang gig nila. Syempre, makaka silay nanaman ako. Kaya kinabukasan pa lang ay napagdesisyunan na ni Quen na dumiretso sa bahay nila Kath maaga palang. Ang aga-aga pa kaya tulog pa siya. Kaso nang dahil sa ingay nina Katsumi at Kiray ay nasira ang tulog niya at doon ko nakita ang pagiging amazona at brutal niya. Nakakatakot siya, oo pero hindi ko magawang matakot sa kanya. Imbes na matakot at maturn off ako ay natutuwa pa ako sa mga nalalaman ko tungkol sa pagkatao niya.
Hapon nang maghanda kami nun sa gig nila. Handa na kaming lahat at siya nalang ang inaantay namin kaya nung bumaba siya sa kwarto niya ay tila nagslowmotion ang paligid namin. Ang ganda niya talaga kahit saksakan siya ng pagiging maangas niya ay hindi pa rin maitatago ang kakaibang gandang tinataglay niya. Mas nakadagdag sa ganda niya ang pagbitbit niya ng gitara, simple lang sa paningin ng iba pero para sa akin ay sapat na iyon para mas lalo akong humanga sa kanya. Tahimik akong kinikilig nun, walang makakapagsabi. Takte. Para akong babae kung kiligin pero ano nga ba magagawa ko? Tinamaan ako e.
Labis ren ako namangha asa bilis niya magpatakbo ng kotse. Kung ibang babae yan, panay tili na yan at kung anu-ano pa pero si Kath? Wala siyang kaarte-arte sa katawan. Pagkarating namin sa bar ng kaibigan nila ay doon ko nakita kung gaano kakilala si Kath at ang mga kaibigan niya. Nakilala ren namin ang iba pang mga kaibigan ni Kath na mas matatanda pa sa amin. Nung una nagseselos pa ako sa dalawa, kina Kuya Alvin at Kuya Ken pero sa huli ay nakita ko ren na pinahahalagahan lang nila si Kath at parang nakakabata nilang kapatid ito.
BINABASA MO ANG
Falling for the Bad Girl
Fanfiction(FORMER 'CAMPUS BAD GIRLS MEETS CAMPUS BAD BOYS) Meet Kathryn Chandria Bernardo, isang certified bad girl sa St. Agatha Academy. Kasama ang mga kaibigan niyang sina Julia, Liza at Kiray at ang pinsan niyang si Ella, ay lubusan sila...