Chapter 25

4.4K 106 3
                                    

Hola! This is the new Chapter 25. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!

Enjoy reading!

READ. COMMENT. VOTE!

#FFTBG

- Queen A 


---*---

---*---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 25


Kath's Point of View


Gaya ng napagplanuhan ay wala kaming gagawin. Lumipas na ang dalawang linggo at wala pa kaming ginagawa since wala pa siya ginagawa pero sa totoo lang gusto ko ng bawiin ang mga sinabi ko! BUWISIT! Walang araw na hindi kumulo ang dugo ko sa gunggung nayun! Napaka mapang asar niya! Bigla-bigla nalang ako nginingisihan! Talagang sinusubukan ako! Kating-kati na ako burahin yung mga ngisi sa mukha niya!


Bantay sarado kaming mga babae sa mga lalaki. Kung saan ang isa sa amin nandun ren ang isa sa mga lalaki. Hindi naman namin makuwang magreklamo dahil para sa amin naman talaga yun. Pero mas nag aalala ako para sa amin ni Liza. Wala naman kasi talagang kinalaman dito yung tatlo. Napag alaman ko ren kay Kuya na alam nina Seth na kami lang dalawa ni Liza ang target. Alam daw nila Seth yun una palang, sinabayan lang daw yung alibi ko. Kaya mas doble ang proteksyon na natatanggap namin ni Liza kumpara sa tatlo. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pang protektahan nila si Liza dahil kaya ko naman ang sarili ko pero wala e, sermon lang ang inabot ko nung sinabi ko yun kaya ang magagawa ko nalang ay bantayan si Liza sa abot ng aking makakaya. Kung ayaw nila mas protektahan si Liza, ako na mismo ang proprotekta sa kanya.


Kasalukuyan kaming nasa classroom, free cut nanaman at napagdesisyunan naming dito nalang sa classroom. Langya, pati mga teacher tinatamad na magturo. Speaking of teacher, hindi ren nagpakita muna sa akin si Madame, tinablan siguro ng takot. Pinagmasdan ko ang classroom namin na may sari-sariling mundo ang mga tao dito. Tsk. Tinignan ko yung may pasimuno ng pag init ng dugo ko sa araw-araw na Jed pala ang pangalan, matinik ren sa babae. Instant famous ren si Kolokoy e. Daming umaaligid na babae kaya mukha wala siyang pake sa amin pero kahit ganun, hindi parin mapanatag ang sarili ko. Sinabi ko naman na sa inyo diba? May masamang kutob talaga ako dito sa kanya. Ramdam ko na may hindi magandang mangyayari. Tsk. Mahirap na magpabaya kaya kailangan namin parati itaas at ihanda ang depensa namin. Pero hindi ko kayang manahimik nalang knowing na nganganib ang mga kaibigan ko. Tsk. Kailangan ko ng umaksyon kahit na papaano.

Falling for the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon