hahahaha.

215 15 3
                                    

RANZ'S POV.
Nananadya ba si ma'am? Tsk. Iiwas na nga ako kay ruby eh. Tapos may nalalaman pang activity na yan.

Nakatingin sakin si ruby, kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam at ramdam ko yun.
Pero gaya nga ng sabi ko start now. Iiwasan ko na sya. Titiisin ko kahit diko kaya.

Iisipin ko nalang para din sa kanya tong ginagawa ko.

"Uhm.ranz?" Pagka sabi ni ruby nyan. Tumingin ako sa kanya gamit ang cold eyes ko.

"Bakit?" Tanong ko habang nag kakatitigan kami. Halata sa kanya na kinakabahan sya at nahihiya kaya medyo tumungo sya.

Hays. Bat ka ba nahihiya sakin? Ako nga dapat tong mahiya e. Alam ko namang hindi nya ako mahal eh.bat sya nahihiya sakin?


Tska kahapon? Umiiyak ba sya o tingin ko lang yun? Kasi naulan nung sabado eh. Hindi ko alam kung umiiyak ba sya o hindi.

"Ano bang 5 facts about sayo?" Sabi nya habang kinukuha yung papel at ballpen sa bag nya.


"Wala kana dun."- sabi ko with my cold voice.

Ayoko talaga muna sya sanang kausapin ngayon. Ewan ko kung bakit.
Tumayo nalang ako umalis sa upuan ko.

At tumabi kay biboy.

----

RUBY'S POV.
WATDA! Anong problema ni ranz?
Sya na nga tong may kasalanan sakin kasi hindi nya sinabing may fiance sya. Sya pa tong umiiwas ngayon. Tsk!

Tingnan ko nalang si ranz nung patayo sya at pumunta sa upuan ni biboy at tumabi.

Sya pa tong naiwas sakin ngayon. Ako nga dapat yan! Tsk.

Nagsulat nalang ako ng kung ano ano sa papel. Bahala na!

"Okay class. Pass ur papers"- utos ni ma'am

At nag pasahan na kami lahat ng papel tapos umalis na si ma'am umub-ob nalang ako sa desk ko.

----

OLIVER'S POV.
Natapos na din sa wakas ang klase.

"Hoy.CAV!"-  tawag ko kay CAV Habang kinukulbit ng ballpen

Lumingon naman sya .

"Oh?"- sabi nya .

"Alis tayo!"- sabi ko.


"Busy ak----" diko na pinatapos sasabihin nya nagsalita na ako agad.


"IV-A" sabi ko.


Hahahaha. Tumayo agad sya ng pagkabilis bilis. Anong meron?


"Tara!" Masiglang sabi ni CAV.

Tumayo na din ako at pumunta na kami.

---

CAV'S POV.
Pagkasabi ni Oliver na aalis kami. Ayoko sana sumama kasi tinatamad talaga ako. Pero nung sinabi nya sa IV-A kami pupunta

Bigla nalang tumayo mga paa ko ng kusa( ang galing meron pala non? Hahaha)

--



A/n:, may readers paba me? Comment ang vote. Thankyy

ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon