KORYNNE POV~
Naglalakad ako ngayon sa hallway. Ewan ko ba! Parang bangag ako ngayon.
Isang linggo na rin nakalipas ang lahat. Isang linggo na ding hindi ako pinapansin ni Ken.
Hays!
Inayos ko nalang ang uniform ko at patuloy sa paglalakad nang makasalubong ko si Ken.
Lalagpasan na sana niya ako, pero nahawakan ko yung braso niya.
Alam mo yung masakit? Eto yun eh, iniiwasan ka niya. Masakit din sa part ko 'to pero kasi naging malapit kaming magkaibigan eh.
"Bati na tayo, please?" tugon ko.
"Nasabi mo na 'ba? Kayo na diba?" napakunot noo ako sa sinagot niya sakin pero nakalaunan na gets ko din.
Si Calvin. Ewan ko ba kung bangag pa rin ako ngayon dahil nakikita ko sa gilid ng mata ni Ken ang mga nagbabadyang luha.
Hindi ito si Ken. Napansin kong napaka seryosong tao na niya. Di na siya tulad ng dati na palabiro at makulit. Hindi ko makita ang anino niyang ganun. Nagiging cold na ang pakikutungo niya sakin lately. Si Ken ito, na mahal na mahal ako at hindi ko masuklian.
"Yanne! Mahal na mahal kita! Ano ba dun ang hindi mo maintindihan!"
"Kaibigan kita Ken! Sorry!"
"Shit ka naman yannemylabs eh! Pinaasa mo ko eh! Manhid ka ba talaga o tatanga tanga lang?! Mahal kita!" sigaw niya sakin. Basang basa na kami ng ulan.
"K-ken sorry! Di ko sinasad--" nabigla ako sa paghalik niya sakin.
Pero namalayan ko nalang ang sarili ko na nasampal ko siya ng malakas.
Kahit ang lakas ng ulan ngayon, kitang kita ko na umiiyak si Ken ngayon. Leche talaga eh! Wala akong karapatan saktan si Ken! Wala!
"M-mahal kita yannemylabs.." pahikbi niyang sabi.
Oo! Naririnig ko na siyang umiiyak! Naaawa ako sakanya. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang masuklian yung pagmamahal niya sakin.
"Ken itigil mo na'to. Sorry. Tama na. Nasasaktan na kong makita kang ganyan."
"Kaibigan nalang ba talaga turing mo sakin? Kasi ako...higit pa dun eh.."
"Please Ken! Itigil mo na'to!"
"Ayoko!"
"Leche ken! May mahal na kong iba! Gumising ka!" nagulat ako sa sinabi ko.
Napangisi siya. "Bullshit!" Tumalikod siya sakin. "Si Calvin nga! Ugh! Fuck! Tangina lang!" Lumingon siya sakin at kitang kita ko ang galit sa mukha niya.
Natatakot ako sa mga tingin niya.. natatakot ako dahil iba ang nakikita ko, ibang side 'to ni Ken.
Nagulat nalang ako dahil bigla niya kong hinatak at niyakap ng mahigpit.
"Sorry yannemylabs kung natakot kita. Sorry dahil nasigawan kita. Sorry dahil nagseselos ako sa inyo ni Calvin kahit....wala akong karapatan.."
"S-sorry din.."
'Yan lang ang nasabi ko.
Naalala ko tuloy yung status ng isang kaibigan ko sa facebook, "Kung hindi mo kayang suklian ang pagmamahal niya sayo, ingatan mo nalang siya bilang kaibigan." Hayy..
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na yinayakap pabalik si Ken at marahang hinahagod ang likod niya.
"Sorry Ken kasi hindi ko maibigay ang pagmamahal na gusto mo. Mahal kita. Mahal kita bilang malapit na kaibigan at kapatid..hanggang dun nalang talaga eh..Pasensya. Sana Ken, hindi masira ang pagkakaibigan natin dahil dito. Gusto ko bumalik kana sa pagiging abnormal mo, hindi kasi ako sanay na gan'to ka eh. Atsaka marami pa namang ibang babae diyan. Hindi lang siguro ako ang nararapat diyan sa pagmamahal mo. Merong nakalaan diyan Ken at hindi ako yun. Sana matanggap mo ng buong buo na hindi tayo para sa isa't isa. Meron talagang mga bagay Ken na hindi mapapasa atin. Kaya please.."
Nagsimula ng magtubig ang mga mata ko dahil sa hugot na nasabi ko kay Ken. Pero nagpapasalamat talaga ako dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob para masabi sakanya yun lahat.
"Kamusta na? Kayo?" pagbabalik tanong niya sakin.
Ako at si Calvin? Ewan ko nalang.
KENDRICK POV~
Alam mo yung pakiramdam na gustong gusto mo ng mag move on pero ayaw pa rin ng puso mo.
Tang ina lang kasi! Ang sakit sakit.
Tanga mo Ken! Umaasa ka pa! Eh kitang kita naman malinaw pa, na talo ka na!
"Kamusta na? Kayo?" pag iiba kong tanong.
"Hmm..ako okay lang. Kami ni Calvin? Ewan ko ba! Isang linggong di siya nagparamdam sakin eh." Sh.t! Namiss ko boses niya! Isang linggo ko din kasing sinubukan na iwasan siya pero tangna lang! Isang hawak lang niya sakin kanina, napataob ako!
No words can explain the way Im missing her. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngayon pero di pwede. Para na rin matanggap ko ng unti unti.
"Ikaw Ken? Kamusta na?" ngumiti siya sakin. Naramdaman kong nag iinit na naman ang mga mata ko tss.
Call me pathetic for crying like this but could you blame me? Masisi mo ba ako kung gan'to ko siya kamahal?
Ngayon lang ako nagmahal ng gan'to at kung minamalas nga naman ako, talo pa.
"Okay lang naman." maikli kong sagot.
"Ken...please..huwag mo kong iwasan. Masakit." sabi niya sakin at napatungo.
Langya! Ano ba talaga ko? Gusto niya ba talagang mas masaktan ako?
"Ken..kaibigan kita. Ayaw kong iniiwasan mo ko. Kaya please.." garalgal na yung boses niya kaya niyakap ko siya at ayun nagsimula na siyang umiyak.
Okay lang na ako masaktan. Huwag lang 'tong babaeng yakap yakap ko ngayon. Simula ngayon, nandito lang ako palagi sa tabi niya. Kakayanin ko.
"Ssssh..tahan na.. di na kita iiwasan promise... Andito na ang bestfriend mo.." sabi ko.
Tumingin siya sakin at ngumiti. Nasisilaw ako sa mga ngiti niya. Sayang lang, di siya mapapasakin.
"Pinky promise?" tinaas niya ang hinliliit niya.
"Pinky promise."
~•~•~•~•~•~~
AN: Huhuhu guys! Im baaaaack! May mga readers pa ba? Lol. Sorry po sa biglaang slooow update. Paki intindi nalang po, please :3 Nagkaroon kasi ng madaming school works at nagka- writer's block pa ko huhuhu. Buti narinig ko yung 'Let me be the one' na kanta kaya ayun, nagkaroon ako ng idea para sa chapter na ituuu. :)
Keep reading and supporting po. Mwah. Yung mga naka- italized po, flashback po iyon :) Lamats.
Wish: Sana may comment at vote. :)
Akira~
BINABASA MO ANG
Battle of Love
RomanceLove is like a battle. Kapag mahina ka talo ka, Kapag ayaw mong masugatan bawal kang sumali sa laban. In love, you get scars that hard to heal. Your heart starts bleeding because of the stitches. So If I were you, be ready to get involve in their s...
