KORYNNE POV~
"Eh?!" gulat na sabi nila Ayra at Abe.
Kinuwento ko kasi sakanila yung paghalik sakin ni Calvin eh.
Grabe lang ang hirap ng aking dinanas no! Hindi kaya maayos ang pagkakatulog ko nun pagkagabi! Psh!
"Ohmygosh yanne! Baka may gusto sayo si Calvin!" tuwang tuwa na sabi ni Abe.
"Ha? Pinagsasabi mo diyan? Nag iisip ka ba? Asa ka naman dun no!" bale wala kong sabi sa sinabi niya sakin.
Maski ako rin eh, naisip ko din yan na baka may gusto sakin yung ugok na yun eh! Uy! Di ako assuming no!
Im just stating the possible reason comes in my mind. Chos!
"Eh bakit ka niya hinalikan yanne? Kung hindi ka niya gusto? Duh! Wag ka ngang manhid!" mataray na sabi ni Ayra. Minsan talaga di ko alam kung bakit naging kaibigan ko to eh =__= De joke.
"Basta. Huwag nga kasi kayong magstock sa iisang reason ok? There's so many reason at siya lang ang nakakaalam nun." paliwanag ko sakanila. Mga 'to kasi eh! Malisya pinapairal!
" Okay. okay." sabi ni Abe.
"Basta ayoko muna siyang makita ngayon. Im not ready pa. Nakaka-awkward eh!" sabi ko sakanila.
"K fine." sagot ni Ayra
Hays. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papuntang school gym namin. Napagtripang dun muna tumambay dahil wala kaming klase ngayon siguro busy ang mga teachers and prof na gumawa ng exam.
"yannemylabs!"
"Oh ken!" lagi nalang kami nagkakasalubong ni Ken.
"Buti nahanap na kita, wala kasing klase kaya date tayo yannemylabs!" aba nga naman oh!
"Umaariba si Ken oh" natatawang sagot ni Abe.
"Kumikilos yan paunti unti, baka daw maunahan na eh" bunganga talaga ni Ayra oh.
"Hoy anong sabi mo ayra ha? Na gwapo ako?"
"Ang assumero mo Ken! Di ka gwapo, uy!"
"Tss. Bulag ka!"
"Aba't---"
"Opps..tama na! Kayo talaga!" awat ko sakanila. Daig pa mga highschool magbangayan eh =__=
"yannemylabs! San ba punta niyo?"
"Sa gym, ken."
"Ah.. sige. Sama muna ako. Tapos date tayo ha?" sabi ni Ken at nagpuppy eyes pa hahaha. Ang cute lang!
"Ok---"
"Hey! Korynne." naputol yung sasabihin ko sana kay ken kasi yung mismong pagliko na sana namin, sumalubong na siya.
Uh-oh! Spell AWKWARD yan ang nafe-feel ko ngayon -__-
"Ehem. Dumating ang isa, pano na si nauna? Kawawa naman ang naiipit lalalala~" letche talagang Abe to oh! Nag-imbento na naman ng pang childish na kanta at tono niya! Masasapok ko na talaga tong si Abe, halatang ako ang pinaparinggan eh.
"Hahahahaha Imba ka abe!" tawa ni ayra.
"Oh..C-calvin hehehe!" Arrrghh! I hate this situation! Nauutal pa ko letche!
"Bro! Musta?" bati naman ni ken.
"Im fine bro." at pinagsuntok naman nila yung mga kamay nila. Ganun magbatian yung ibang boys eh.
"Where are you going?" nakatingin siya sakin.
"Magda-date kami ni yannmylabs bro!" Si ken talaga!
"Ikaw ba calvin? Di mo ba yayain si yanne?" asdghfkl! bibig talaga ni Abe oh!
"What do you mean?"
"Ang slow mo naman Brixford! Date. Di mo ba siya yayain ngayon?" this time si Ayra naman ang dumagdag! Huhuhu. Mga kaibigan ko ba sila? T____T
"Ahhh...sana?" sabi niya at nag-smirk sakin? Okay. Anong ibig niyang sabihin dun?
"Ehem. ehem. ehem. nga lang! Ako nauna bro. Pano ba yan?" sabi ni Ken at inakbayan ako. Aba nga naman!
Nakita ko namang kumunot ang noo ni Calvin.
"Tama. Siya nauna. Pero di pa nakakapayag si Yanne diba, sis Ayra? *tumango naman si Ayra* kaya may chance ka pa calvin!" sabi ni Abe. Ano namang plano ng mga 'to?
"Kaya naisip namin ni Abe na...why not kung mag battle kayo? Tapos kung sino manalo siya yung ida-date ng yanne namin. Right abe?" sabi ni Ayra at kumindat pa kay Abe. Arrrghh! Kung ano-ano na naman ang iniisip nila!
"Tama ka ayra! Di naman pwede na, kayong dalawa ang ida-date ni yanne kasi baka magmukha siyang two timer niyan! Kasi may kasamang dalawang Fafa! Hahaha" sabi ni Abe.
"Wifey! Sinong Fafa sinasabi mo?" Uh-oh! Sabi ni Drake na kararating lang. Natawa pa ko kasi di bagay sa boses niya yung pagbigkas ng 'Fafa' hahaha.
"A-ah hubby! Diyan kana pala! Wala yun ano ka ba! Guni guni mo lang yun hahaha" mga palusot talaga ni Abe oh.
"Ah. Ganun ba? Okay. Kala ko may babangasan ako ngayon eh."
"Ikaw talaga hubby! Patawa ka eh."
"Hoy abe! Dumating lang hubby mo, nakalimutan mo na yung dinidiscuss natin sakanila" sabi ni Ayra. Kala ko makakatakas na ko eh."Ay! Sorry naman.. So as I said, kailangan niyo munang mag-battle"
"What kind of battle?" Woah. Interesado si Calvin? -__-
"Oo nga, ano yun?" sagot naman ni Ken.
"Okay, OP ako ganun?" singit naman ni Drake haha.
"Mamaya kana hubby!" abe.
"Uhm..let me think.." sabi ni Ayra at nilagay niya pa ang pointing finger niya sa ulo niya at aktong nag-iisip.
"Ah! Alam ko na!" sigaw ni abe. Nag-isip rin pala siya?
" Ano yun sis?!" excited na tanong ni Ayra. Okay, trap ako sa dalawa kong bestfriend. -__-
"Dahil nandito tayo ngayon sa entrance ng gym, what if, kung magkakaroon sila ng..."
"Isang..BASKETBALL MATCH!" sabay na sigaw nila ni Ayra. Okay.
"Tsk! Fine. That's too easy for me" cool na sabi ni Calvin. Sige, ikaw ng magaling!
"Haha bro, pano ba yan? magkalaban tayo. May the best player win." sabi ni Ken at nakipag hand shake. Woah! Sineryoso talaga nila?
"Yeah. Whatever" tsk! taray talaga eh!
"Whooo! Yan tayo eh! Tara na pasok na sa gym!" sigaw ni Ayra. Huhuhu. Di man lang nila hiningi opinyon ko.
~•~•~•~•~•~•~
AN: Let the battle begin! HAHAHA!
Sino bet niyo guys?
![](https://img.wattpad.com/cover/49095634-288-k838495.jpg)
BINABASA MO ANG
Battle of Love
RomanceLove is like a battle. Kapag mahina ka talo ka, Kapag ayaw mong masugatan bawal kang sumali sa laban. In love, you get scars that hard to heal. Your heart starts bleeding because of the stitches. So If I were you, be ready to get involve in their s...