[Korynne]
"Bes! Ba't mo ba kasi iniiwasan si Ken? Kawawa naman na 'yung tao. Harapin mo na kaya?" Pagkukumbinsi ni Abe.
By the way, nandito nga pala kami ngayon sa isang Restaurant. Napagdesisyonan naming magkita kaming tatlo ngayon. Kakatapos lang din namin mag shopping. You know, girl bonding.
"Psh! Ayoko nga siyang makita!" Inis na sagot ni Ayra.
"Eh bakit nga? Wala naman sigurong ginawang kasalanan 'yung tao sayo ah?"
"Oo nga bes. Pinapairal mo na naman siguro ang kaartehan mo ngayon." Natatawa 'kong sabi. She just rolled her eyes. Pfft.
"Hindi nyo kasi ako maintindihan." Sabi nya.
"Kaya nga. That's the point, ano ba ang reason? Makikinig kami. Para naman maintindihan ka namin diba." Abe.
"Uh.. ano-k-kasi.."
"Hays. Uutal utal ganun?. . . . .Opps! May tumatawag, excuse me guys." Tumayo na si Abe to take the call.
Ayra and I just focus on our food. Mapapaamin din namin 'to si Ayra, tiwala lang. Afterwards, Abe came back and excused herself to go. Boyfriend alert. -__- We both gave Abe a goodbye kiss as she went off.
"Tayo nalang, bes. So let's go back to the topic. Akala mo makakatakas ka ha." Nagbabanta 'kong sabi. Haha. Natatawa ako sakanya, parang kinakabahan siya na ewan. Haha.
"Luuh. Bes naman eh!"
"Bakit mo iniiwasan si Ken, huh?"
"Kasi ano.. kasi ayoko siyang makita? Kasi inis ako sakanya?"
"Wrong answer, bes! Alam mo kung hindi mo 'ko bestfriend ngayon, mapapaniwala mo 'ko sa mga palusot mo eh. Pero sorry ka! Bestfriend mo 'ko at nagsisinungaling ka sa'kin dahil halatang halata sa mata mo! At sa panginginig ng ibabang labi mo."
"Aish. Okay fine! Dapat pala andito si Abe, buti pa don may chance akong makalusot. Tsk."
"Sabi ko kase sa'yo eh, Haha. Don't me! So, ano na?"
"Uh.. Aish!..K-kasi..u-unti unti na 'kong nahuhulog s-sakanya?"
That's it!
"Ohmygod! Sabi ko na nga ba, tama ang instinct 'ko eh! Haha!"
"Hayst. Ngayong alam mo na, bes. Please naman.. huwag mong sasabihin sa iba.."
"At bakit naman? Takot kang malaman nila? Haynako. Atsaka, ito ba 'yung rason kung bakit iniiwasan mo si Ken? Gosh, bes! Ang babaw."
"Eeeh.. basta! Ayoko! Ayoko nitong nararamdaman 'ko! Ayoko ng sumugal! Atsaka habang maaga pa, pipigilan 'ko 'tong lecheng nararamdaman 'ko!"
"Diyan ka nagkakamali, bes. Akala mo ba tama 'yang ginagawa mo? Hindi. Mas pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Akala mo dahil sa ginagawa mong pag-iiwas, mababawasan ang pagmamahal mo kay Ken? No. Lalo mo lang siyang mamahalin. Huwag kang maging duwag, bes. Sa pagkakakilala 'ko sa isang Ayra Kate Sy, hindi duwag. Matapang. Ano 'bang kinakatakot mo, bes? Nagmamahal ka lang naman ah. Kaya kung ako sayo, harapin mo 'yan. Huwag mo ng intayin ang sarili mo na makaramdam ng Pagsisisi sa huli. Kendrick is alright. Kilala natin si Ken, kahit gago 'yun at playboy, alam 'kong 'pag tinamaan 'yun, magseseryoso 'yun. At kampante akong ipaubaya ang bestfriend 'ko sakanya." I smiled at her. Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Teary-eyed eh. Haay, ang drama namin ngayon.
"P-paano bes.. kung hindi siya yung right guy para sa'kin? Ede masasaktan lang ulit ako. Aasa na naman ako. Ayoko na nun. Ayoko nang maramdaman yung tulad noon.."
![](https://img.wattpad.com/cover/49095634-288-k838495.jpg)
BINABASA MO ANG
Battle of Love
RomanceLove is like a battle. Kapag mahina ka talo ka, Kapag ayaw mong masugatan bawal kang sumali sa laban. In love, you get scars that hard to heal. Your heart starts bleeding because of the stitches. So If I were you, be ready to get involve in their s...