Chapter 43: Heart's Day

47 4 0
                                        

YANNE KORYNNE SMITH PoV~

Kakarating lang namin ni Calvin dito sa isang Restaurant. Niyaya niya ako magdate daw kami. Pero kanina 'ko pa napapansin na ang cold niya! Leche! Yung tipong isang sagot, isang tanong? Nakakagago lang diba?!

O baka PMS lang siya?

Luuuh. Ginawa mo 'pang babae ang boyfriend mo!"

Shut up, conscience.

Pero nakakainis kasi eh! Kanina 'pa nga ako nagtitimpi eh! Okay naman kami kahapon ah! Amg sweet sweet pa nga niya eh.

Tapos 'di niya pa ako pinagbuksan ng pinto ng kotse niya? Wow. Bago 'yun ah.

"What are you waiting for? Let's go." tapos nauna na siya pumasok sa loob. Leche! Ang sungit sungit!

Pero for pete's sake! Valentines Day ngayon! Araw ng pagmamahalan ngayon! Luuh. corny. Pero date namin 'to. Excited na nga ako kagabi kung anong ka-romantikan ang gagawin ni Calvin eh. Pero parang wala...kasi badtrip siya =___=

Nako. Ang romantic ng Valentines 'ko Sobra. Psh!

---

Umupo na 'ko sa table namin. Magkaharap kami pero naka poker face lang siya. Ano ba problema? Nakakainis kasi, wala akong alam!

Nagsimula na siyang kumain. Oo kumain. Nag order na pala siya. Di man lang niya tinanong kung ano gusto ko, usually tinatanong naman niya 'yun!

"What's with the face, baby?"  tanong niya. Bwiset! Baby-hin ko mukha niya diyan eh!

"Seryoso CK? Di mo talaga alam?" I tried to calm my voice kahit kanina 'ko pa gustong sumabog dahil sa inis.

"Ano ba 'yun?" leche! patay malisya!

"Ugh! Ang bobo mo Calvin! Di 'ko alam kung ba't ka nagkakaganyan! Ang cold mo! Girlfriend mo 'ko Calvin for pete's sake! Kung may problema ka,  sabihin mo! Hindi 'yung iiwanan mo 'kong clueless! Nakakatanga kasi 'yun eh. At alam mo ba kung anong araw ngayon? February 14 Calvin! Valentines day! tapos February 15 bukas! Monthsary natin. Papaalala ko lang baka nakalimutan mo eh! Tapos ganyan ka? Ang sungit sungit mo! Ano bang problema mo, ha?! Tapos idagdag mo pa na, nag order ka na! Di mo man lang tinanong kung ano gusto ko. Iniwan mo pa 'ko dun sa kotse mo! Putang ina lang diba?!" napasigaw na 'ko. Di ko na control ang sarili ko. Napansin 'kong halos ng tao sa loob ng Restau nakatingin sa table namin. Si Calvin nakapoker face lang. Walang emosyon.

Parang siya yung dati when I first saw him.

Napa face palm siya. "You know? I really can't take this anymore. Im just too fed up with you, with this relationship. Di na kita maintindihan. About a while ago? Sorry." sabi niya.

Nag walk out siya. Pilit 'kong pina process sa utak 'ko yung mga sinabi niya. Ohmygosh! Hindi pwede 'to!

Hindi pwedeng matapos ang araw na'to na hindi kami nagkakabati!

LQ lang yan yanne! Hindi kayo maghihiwalay.

Tama. LQ lang siguro 'to.

Naka recover na 'ko sa pagkatulala at pinunasan 'ko na yung luhang tumulo sa pisngi 'ko. Napaluha pala ako. Hindi 'ko namalayan.

Tumayo na 'ko at papalabas na sana para sundan si Calvin.

Pero leche! Hinarangan ako nung mga waiters at guard! Problema nila?

Hindi ba nagbayad si Calvin?! Bwiseet.

"Ano ba! Padaanin niyo 'ko! Susundan 'ko yung boyfriend 'ko! Ano ba!"

Battle of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon