KORYNNE POV~
/ The Next Day / Hope Academy / 09:15 A.M. /
Naglalakad ako sa corridor kasama sina Ally, Prince, Mae, Shana, at Larra. Mga kagrupo ko sila sa calculus activity na binigay ng Prof. namin bale pinag uusapan lang namin.
Break time na namin kaya papunta kami sa cafeteria.
"YANNEE~!" ang layo pa lang, pero alam ko na agad kung kaninong boses 'yan. Kay Ayra. Nakalunok yata ng microphone eh.
"Oh? Makasigaw ka naman." reklamo ko sakanya nang nasa tabi ko na sya.
"Eeeh kasi naman..may sasabihin ako sayo!"
"Ano ba 'yun?"
"Diba nililigawan ka ni Calvin?" tanong niya sakin. Psh! yun lang?!
"Nasabi ko na 'yan diba? Ano kailangan ko pa ulitin?" walang gana kong sagot. Ayaw ko kasi i-flashback yung nangyari, di ako mapakali eh. Ang init!
Ngumisi siya ng nakakaloko.
Okay? What's with the smile?
"Oh? Eh yanne bakit may kahalikan siya sa cafeteria ngayon?"
"ANO?!" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko yung sinabi niya.
Si Calvin may kahalikan?! Leche! Pagkatapos siyang mag confess sakin at pagkatapos niya 'kong pakiligin? Tapos malalaman ko nalang may kahalikan?! Wow ha? Lagot talaga sakin 'yun!
Binilisan ko nalang ang paglalakad ko dahil malapit na rin kami sa cafeteria.
"Sabi na eh! Selos ka eh!" napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinigaw ni Ayra. Argh! Ako? Nagseselos? Hmp! Asa! Tuturuan ko lang ng leksyon 'yang Calvin na yan 'no!
Binilisan ko nalang maglakad haggang sa makapasok na 'ko sa cafeteria..
Nakita 'kong humiwalay na sa paghahalik 'yung babae. So..ngayon lang sila natapos, ganun?
"Wow! Tapos ng makipaglandian?! Nahuli ako, sayang!" sigaw ko sakanila.
"Mind your own shitty business btch"
Wow! Makapag english 'tong linta na 'to! Bigwasan kita dyan, makita mo!
"Shit like your monkey face?" sagot ko.
Nakatitig lang si Calvin. Grabe, wala man lang siyang gagawin? Pumayag siyang halikan ng lintang 'to?!
"Excuse me?" nakataas niyang kilay na tanong sakin. Paliparin kita papuntang Mars eh!
"DADAAN KA? Go!" nasigaw na talaga ako. Eh sa naiinis na 'ko eh!
"No..I mean--"
"Huwag ka ng sumagot. Tahiin ko 'yang makapal mong bibig eh! Di ka pa lalayas? Kaladlarin pa kita, gusto mo?! Landiin ba daw BOYFRIEND KO?"
Oh sht! Ba't ko nasabi 'yun?! Argh!
Hinatak ko nalang palabas si Calvin.
"Pffft. Are you jealous?" bigla niyang tanong kaya tumigil muna ako sa pagkakaladkad sakanya..
"Ako? Jealous? ASA!"
"Then why did you act like that?"
"Psh. Kailangan ba may rason? Atsaka sino 'yun ha?!"
"Tss. She's my classmate. Hinalikan niya lang ako bigla, okay? Di ko ginusto 'yun." explain niya.
"Talaga lang ha? Di daw gusto. Pero di man lang umangal!"
BINABASA MO ANG
Battle of Love
Roman d'amourLove is like a battle. Kapag mahina ka talo ka, Kapag ayaw mong masugatan bawal kang sumali sa laban. In love, you get scars that hard to heal. Your heart starts bleeding because of the stitches. So If I were you, be ready to get involve in their s...