YANNE KORYNNE SMITH POV~
Monday
"Tarang kumain muna!" inaya ako ni Jiro kumain pero di ko sya pinansin. Busy ako. Tiningnan ko ulet ang reviewer ko sa tatlong subjects. Waaaaah! Ang sakit sa ulo!
Nakalimutan ko palang prelims namin ngayon at bukas. Two days yun eh. Hell week! Nganga ako! Kung ano ano kasi iniisip ko eh! Tss!
Ba't ko ba nakalimutan 'to?!
"Tama na muna 'yan. Hindi naman major 'yan eh. Bukas ka na maghanda at tutukan ang Accountancy!"
"Pede pa Jiro?! Buti nga nakareview ka, kaya kampante ka diyan! Eh ako, ha? Di mo man lang pinaalala sakin nung sabado na prelims naten ngayon! Psh!"
"Woah! Alam ko 'bang nakalimutan mo? Busy ka kase sa boyfriend mo."
Hindi ko na sya pinansin. Bahala sya sa buhay niya dyan. Ang daldal ni Jiro! Tinalo pa 'ko! Akala ko mahiyain. =___=
Patuloy lang ako sa pagbabasa. Memorize. Memorize. Memorize. Kaya mo 'yan yanne! Fighting!
"Oh. Baby." napalingon ako sa harap nung marinig ko ang boses niya.
Anong ginagawa niya dito? Wala ba silang exam? Oh I forgot! Breaktime na pala =__=
"Kukunin mo ba o hindi?"
"Sabi ko nga kukunin ko na eh" kinuha ko na yung sandwich sa kamay niya pati yung drinks. Poker face lang siya. Problema naman ne'to?
"Ayokong ginugutom mo sarili mo" Oh! Sorry naman. Busy eh.
Tumabi sya sakin. Kami lang dalawa dito sa room dahil lumabas lahat ng classmates ko para mag break.
Ako. Naiwan. Nag rereview. Psh!
Nagulat ako nung kinuha ni Calvin yung reviewer ko sa Business Ad. Nilipat niya sa ibang pages.
Inexplain lang sakin ni Calvin ang mga bagay na hindi ko maintindihan. Kaya pala niya nilipat yung pages kanina kase hindi naman daw 'yun lalabas. Binigyan daw sila ng handouts ng Prof nila last week.
Mga teacher dito, may mga favoritism! At hindi pala straight yung Prof namin sa Business Ad kaya siguro sila Calvin lang binigyan =__= A simple example of discrimination. Tsk!
Nagsimula nang magdatingan yung mga classmates ko kaya tumayo na si Calvin.
Pero bago 'yun...
"Bye baby. Goodluck. See you later" sabi niya at mabilisang hinalikan ako sa pisngi.
Hindi pa ako nakakarecover pero tumakbo agad siya palabas ng room, nakita ko pa siyang kumaway sakin.
Nakakarinig ako ng mga tili ng mga classmates ko! Psh!
--
Nagsimula na kaming mag take ng exam. At thanks to Calvin dahil nireview niya ako at lumabas yung mga tinuro niya sakin.
Natapos na din at lumabas na ako. Gusto ko ipahinga muna ang mga braincells ko dahil bukas sabog na naman 'to. Psh!
May exam pa si Calvin ngayon. Kaya dun muna ako sa Mini Park namin. Yun lang ang peace na lugar dito para saken.
Tinext ko Calvin na itext niya ako 'pag tapos na siya.
Nagmuni muni lang ako at inaamoy yung mga roses. Ang babango! Ang refreshing!
"Baby..."
"Oh nandito ka na pala Calvin!"
Umupo siya sa tabi 'ko at hinawakan na naman kamay ko, napatingin ako sakanya at ayun nakangiti na naman siya.
BINABASA MO ANG
Battle of Love
RomanceLove is like a battle. Kapag mahina ka talo ka, Kapag ayaw mong masugatan bawal kang sumali sa laban. In love, you get scars that hard to heal. Your heart starts bleeding because of the stitches. So If I were you, be ready to get involve in their s...