Chapter 47

63 4 0
                                        

[YANNE KORYNNE SMITH PoV]

"Hi, Yanne. Miss me? Til' next time."

"Hi, Yanne. Miss me? Til' next time."

"Hi, Yanne. Miss me? Til' next time."

Argh. It's been a week na din ang nangyari na 'yun--ang pagpapakita niya sakin. Pero paulit ulit pa rin nag eecho yung mga sinabi niya sakin. Lche talaga!

Nagmumukha tuloy akong paranoid. Halos kung saan ako pumupunta, nakikiramdam ako. Masyado akong na trauma sa ginawa niya sa'kin noon. And I'll never let her do that again to me. I need to be strong for the people around me...and for myself. Kailangan 'kong matutong ipagtanggol ang sarili ko. Pano nalang kung walang taong darating at iligtas ako diba? Ayokong umasa. Para naman din sa'kin 'to.

And to tell you, hindi ko pa magawang sabihin kay CK o kung kanino ang pagbabalik ni Karessa.

Yeah, natakot akong sabihin. Ewan ko kung bakit. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang sarili ko! Hays.

And all I know is, I can see Karessa as a threat.

"Hey! Yanne!" nagulat ako ng biglang may tumapik sa balikat 'ko. Si Ken lang pala.

"What's wrong? Nakatulala ka. Muntik mo na 'kong mabunggo." Argh! Lutang na naman ako!

"Uh, Im sorry Ken." sabi 'ko.

"Ano ka ba, wala 'yun! Ba't ka ba kasi tulala?"

"Uh, wala. Iniisip 'ko lang yung nalalapit na finals." palusot 'ko.

"Ahh. Tara sama ka na sakin. Pinapasundo ka ni Calvz sa'kin eh." Ha? Bakit?

"Huh? Bakit nasan siya?" nilinga linga ko pa yung tingin 'ko, hoping na makikita ko siya.

"Uhm, pinatawag ng Dean eh. Nalaman kasi nilang nag top si Calvz sa Accountancy. Lintek! Tumatalino na naman 'yun, palibhasa inspired kase! Haha!" Napangiti na rin ako. Im happy for CK. He's doing great.

"Eh san tayo pupunta ngayon?" tanong 'ko.
"Rooftop. Ewan 'ko ba kay Calvz dun tayo pinapa lunch!"

"Hahaha. I guess, nasa playful mode ngayon si CK."

"Yeah, maybe. Pfft."

Nakarating na kami sa rooftop. Naabutan naming nagtatarayan sina Ayra at Milka. At ayun, to the rescue naman agad si Ken kay Ayra. Hmm, magkakatuluyan din 'tong dalawang 'to, tiwala lang.

Kumpleto pala kaming lahat dito. Di 'ko iniexpect na makakasama namin ngayon si Milka dito. Why should I surprised? Kaya nga pala siya nagtransfer dito, para mapalapit ulit at maagaw sakin si CK. As if!

Napatingin sakin si Milka ng maupo ako sa tabi nila Drake at Abe. Halatang nagulat siya. At bakit naman? Psh.

"What's this btch doing here?!"

Why? Is she afraid to see me?

"Watch your mouth, Milka. If you don't like her then be it. But would you stop badmouthing her? You act like stupid teenager and please, stop bitchin'." I was about to talk back but Ken said that. Nagulat ako syempre. Pati rin sila Abe, maging si Drake din. Sa way kasi ng pagsasalita ni Ken, hindi siya nasigaw, kalma lang pero ramdam mo yung feels every word. I admire him for that. And thanks to him, he just save me from a crabby btch.

"Seriously, Ken? You said all that to me?! So you're on her side now, huh?" mapait na ngumiti si Milka kay Ken. Tumingin din siya sakin na nanlilisik. What? Last time I check, Im innocent!

Battle of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon