AKIRA'S NOTE: SABAW ang chap na ituuu~ Sorry. :)
******KORYNNE POV~
"YANNE! Aba'y bata ka! Gising na! Male-late ka na 'uy!!" nagkamot muna ako ng mata bago ko imulat. King inerns naman 'tong si yaya Magda oh! Kundi ko lang 'to mahal! Haha jk.
"Ya naman...maaga pa.." naaantok kong sabi.
"Bumangon ka na! Kung hindi sapilitan kitang ibabangon dyan! Bangon na at alas-otso na!"
"Waaah! ya naman! Ba't di mo ko ginising? Male-late na ko niyan eh!" sabi ko at tumayo na sa kama ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko? Pinapatulog ka ulit? Mag-ayos ka na dahil may dalawang Fafa ang naghihintay sayo sa baba Ahihi"
Di ko na pinansin si yaya at nagdiretso na sa CR at naligo.
Naghahallucinate na naman siguro si yaya kaya kung ano ano na ang nasasabi.
Matapos kong maligo, nag-ayos na ko at dali daling bumaba.
Male-late na eh...
"Oh tapos ka na pala. Kain ka na."
aya ni yaya magda.
"Di na po ya. Late na ko eh! Byeee~!" patakbo akong lumabas sa bahay pero napahinto ako bigla na makita ko ang dalawang gwapong nilalang na nag-aantay sa labas.
Okay, ba't nandito ang dalawang ituuu?
"Oh? Anong ginagawa niyo dito? Dalawa pa talaga kayo ah!" sabi ko nang makalapit sakanila.
Si Ken nakaupo lang siya sa red niyang motor. Favorite ko pa namang color yun. Ahihihi! Si Calvin naman nakasandal sa Bugatti niya at nakapamulsa ang mga kamay sa pants. Ba't ang cool niya? Lol.
"Sinusundo ka?/Fetching you?" sabay pa nilang sabi at nagkatinginan ng matalim. King inerns lang! Bestfriend sila diba?
"Psh! Anong nakain niyo?"
"Tara yannemylabs! Dito ka sakin sakay sa motor ko. Puro kotse tayo diba. Para maiba naman!" nakangiting sabi ni Ken. Oo nga no? Di ko pa na-experience mag paandar ng motor si Ken. Parehas kaya sila ni Calvin na halos papatayin na ko sa bilis? Hmmm...
"Sige---" papayag na sana ako kay Ken pero biglang sumingit si Calvin.
"She's not going with you." sabi niya at lumapit sakin.
"Calvs naman! Medyo nawawala na nga ang exposure ko sa story na 'to eh! Natalo mo na nga ko sa basketball diba? Ako naman!" nagmamaktol na sabi ni Ken. Psh! Kahit kailan talaga parang bata si Ken eh!
"Tss. No way--"
"Sige na calvin. Kay Ken muna ako sasabay. Masyado na tayong palaging magkasama hehe. Magsawa ka naman!" natatawa kong sabi kay Calvin.
"Sabi ko sayo calvs eh! Ako muna!" maangas na sabi ni Ken.
Tinaasan lang ng kilay ni Calvin. Ang taray talaga ne'to.
"Psh. Okay. But promise me one thing---"
"teka nga lang! Mag tagalog ka."
"Psh. Nonsense. Sabay tayo mag lunch mamaya tapos." inis niyang sabi sakin na pinaandar na niya yung kotse. Kahit kelan talaga ang kJ nun!
"Tara na yannemylabs!" sumakay na ko sa motor ni Ken.
Hindi sya katulad ni Calvin magpatakbo. Tama lang. Ang gentle ni Ken pagdating sakin. Masusuklian ko kaya yun?
BINABASA MO ANG
Battle of Love
RomanceLove is like a battle. Kapag mahina ka talo ka, Kapag ayaw mong masugatan bawal kang sumali sa laban. In love, you get scars that hard to heal. Your heart starts bleeding because of the stitches. So If I were you, be ready to get involve in their s...