The letter

37 2 3
                                    

Chapter 40

Brionna's POV

"Oh my gosh! Brionna where have you been?!" Bungad sakin ni Mercedes nang makita niya ko na kakapasok lang sa pinto.

Nginitian ko lang siya at tuluyan ng pumasok. Madaling araw na pero mas pinili kong lumabas ng ospital dahil baka kung ano nang mangyari sa kanila kakahanap sakin atsaka baka mas lalo silang magtaka.

"Hoy sumagot ka naman! Saan ka ba galing? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo! Ay teka tatawagan ko sila."

Napansin ko ngang walang tao dito sa dorm nila kundi si mercedes. May kinausap siya sa cellphone pagkatapos ay nangulit na ulit sakin.

"Brionna, ano? Ngingiti ka na lang? Halos mabaliw na sa kakahanap sayo si Kysler at tim-- ay, silang lahat pala! Pati ako! Saan ka galing?" Tanong niya ulit.

Tinitigan ko lang siya at ngumiti ulit. Hindi ko kasi alam kung anong idadahilan ko. Kung anong sasabihin ko. Onti na lang tutulo nanaman yung luhang pinipigilan ko. Habang tinitingnan ko si mercedes, sumasakit yung puso ko. Ayoko silang iwan. Yung mga kaibigan ko. Silang lahat. Lalo na si Kysler at Timothy pero mas ayokong magdusa sila at kaawaan ako.

"Tignan mo itong babaeng to! Blah blah blah--"

Patuloy lang siya sa kakadaldal at sermon sakin pero parang wala na akong naiintindihan kaya niyakap ko na lang siya.

"Ah--" Natigilan siya sa kakasalita nang yakapin ko siya. As much as posible, ayokong umiyak sa harap niya.

"Akala namin bumalik ka na sa daddy mo at nag migrate ka na! Nakakainis ka naman eh! Saan ka ba kasi nanggaling?!" Patuloy niya.

Oo nga pala. Bago ako umalis, gusto kong ayusin muna ang lahat. Kailangan siguraduhin kong maibabalik yung nawala sa 12serenity.

Humiwalay ako at tinignan si mercedes.

"I'm tired. Gusto ko na magpahinga kaya matutulog na ako ah? Sabihin mo sa kanila, sorry kasi pinag alala ko sila. Well, pati ikaw na din. Sorry." Sabi ko at tumalikod na para pumunta sa kwarto.

"Hoy! Babae! Ano ba naman yan! Hoy!" Rinig kong sigaw niya pero hindi na ako lumingod. Pagpasok ko ng kwarto, humiga na agad ako. Maya maya may mga boses akong narinig. Nandyan na sila.

"Where is she?"

"Okay lang ba siya?"

"Ano sabi niya? Saan daw siya galing?"

Sunod sunod na tanong nila. Halata sa boses yung sobrang pag aalala nila. Mas lalo akong naiiyak. Pag umalis ako, yung pag aalala nilang boses, siguradong mapapalitan ng galit. Lalo na si Kysler. 'Sorry' Nabanggit ko na lang sa isipan ko.

Biglang bumukas yung pinto at may narinig akong mga yapak kaya nagkunyari akong tulog na.

"B-brionna, ha-ha, brionna, nandito ka."

Si kysler.

"A-akala ko.. bumalik ka na sa daddy mo." Sabi niya at naramdaman ko yung kamay niya sa balikat ko. Kinumutan niya ako at dahan dahang hinaplos yung ulo ko. Buti na lang at nakapatay yung ilaw at nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko na mapigilan yung luha na tumutulo mula sa mata ko.

"Tulog ka na ba talaga?"

"Hayy. Alam mo, kanina, sobrang natatakot talaga ako na baka bumalik ka sa daddy mo at tuluyan mo na akong iniwan. Thank you for keeping your promise. Thank you for staying."

Narinig ko siyang humuhikbi na. Gosh, stop please!

"Sobrang natatakot ako na mawala ka ulit sakin. Brionna hindi ko na kakayanin kapag iniwan mo ulit ako. Though, hindi ko alam kung saan ka pumunta kanina, thank you sa pagbalik. Alam mo, nung nawala ka sakin at ikakasal dapat kay timothy, dun ko narealize na hindi ko kayang wala ka. Na sobrang sakit na makita kang may kasamang iba. Nung mga oras na yun, pakiramdam ko, wala ng kwenta yung buhay ko. Kahit ang pagsayaw hindi kayang pahilumin yung sakit sa puso ko. Akala ko kasi dati, yung pagsayaw lang yung pinakamahalagang bagay sakin pero hindi pala. Ikaw yung nagbalik ng ngiti at saya sa buhay ko. Hahaha ang baduy ko pero...hinding hindi ko na sasayangin yung second chance na binigay mo sakin kaya sana wag mo kong iiwan. Alam kong hindi mo ako naririnig ngayon pero gagawain ko lahat para wag kang mawala sakin. Kahit kapalit nun, yung career ko at ang pagsayaw ko. Kaya kong i-give up yun para sayo."

Hear Me(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon