Brionna and Keyla ———->
Chapter 27
Kysler's POV
"Sweetie wake up~~" isang malambing na boses ang narinig ko kaya medyo nagising ang diwa ko.
"Hey~~ wake up!" Si Keyla.
O.O! Si keyla?!!
Bigla akong nagising at napaupo.
"Teka.."
"Haha ang cute mo *Smack*"
Napatingin na lang ako sa kanya ng bigla niya akong halikan sa pisngi.
What the?!! Dito na pala ako nakatulog?! Teka.. wala akong pantaas!
"Keyla.. ma..may nangyari ba satin?" Tanong ko. Wala akong maalala.
"Sana nga meron kaso tinulugan mo ko! Aish!" Naiinis na pagkasabi niya.
Bigla akong tumayo at.. putik naka boxer lang ako! Kaso nung maglalakad na ko para magbihis bigla na lang sumakit yung ulo ko kaya napaupo ulit ako.
"See? Sobrang lasing ka kagabi. Sabi ko samahan mo ko uminom kaso nilaklak mo yung wine at hayan! Tinulugan mo lang naman ako... Tsaka nambitin ka pa."
Hindi ko narinig yung last na sinabi niya kasi pabulong niya lang sinabi yun. Wait, paano ba ko napunta dito?!
"Drink this muna para mawala sakit ng ulo mo. Magsa'shower lang ako. Okay sweetie? I love you!"
Nagulat pa ako dahil bago siya umalis ay hinalikan niya ulit ako but this time sa labi na. Waaaahh!! Keyla! Natutukso ako sayo! She's just wearing a fit sando and a short. Ang sexy niya parin.
Bigla nanaman sumakit yung ulo ko kaya ininom ko na yung binigay niya. Tumayo na ko at madaling isinuot yung damit ko. Pagkatapos ko magbihis napaupo ulit ako sa kama. Ano ba nangyari kahapon? Paano ako nakapunta dito—!
Holy Cow!!! May date nga pala kami ni Brionna! Patay baka nagalit yun! Aish! Bakit ba kasi ako uminom?
Kahit medyo masakit pa yung ulo ko ay umalis na ko sa condo niya at nagmadaling sumakay ng taxi. Kailangan ko munang umuwi. Di naman pwedeng amoy alak ako tapos pupunta ako kina Brionna. Ano na lang sasabihin ni tita?
Habang nasa taxi ako naalala ko na kung paano ako napunta sa condo niya. On the way na ko nun sa private plaza ng tumawag si keyla. Umiiyak siya at sinabing magpapakamatay siya paghindi ako pumunta.
Plano ko sana nun pupuntahan ko siya pero saglit lang kaso napainom pala ko. Nakakainis talaga!!!
Pagdating sa bahay agad naman akong pumasok sa kwarto at naligo. Pagkatapos kong maligo napansin kong tulog pa pala yung mga tao dito. Si David naman malapit na malaglag sa kama niya. Kami kasi magkashare ng kwarto. Inayos ko na yung sarili ko at pumunta na kina Brionna.
***
I was about to explain myself ng mapansin kong malawak ang ngiti ni Brionna. Bakit hindi siya mukhang galit? Parang excited pa siyang nandito ako. Pero malay mo galit talaga siya ayaw niya lang ipakita.
"Babybear I'm sorry. Di ko sinasadyang hindi makapunta kaso may importante kasi akong pinuntahan kahapon. Sorry talaga." Panguna ko kaso nakangiti parin siya.
Ano meron? Kung galit siya dapat sinasabi niya hindi niya kinikimkim! Paano ko siya maiintindihan ngayon?
Lumapit siya sakin at bigla akong niyakap. Teka, may problema ba siya?
BINABASA MO ANG
Hear Me(On going)
Teen FictionA girl who loved her idol and gave her all to him A guy who is always there for her bestfriend and unknowingly loving her A girl who hate everything around her except the guy she love A guy who loved the wrong person Si Brionna Ylleen Wilstone, Baba...