The craziness

78 8 4
                                    

Hi! I hope makagawa ako ng maayos na update ngayon kahit medyo nagluluksa pa ako sa pagkawala ni Luhan sa Exo. Si Luhan po si Lucky sa story na ito. But anyway sana magustuhan niyo tong new update.

I dedicate this to my Kapatid in GC Roselle. Hello girl!

Keyla, mercedes and Rona there——->^

Chapter 30

Third person's POV

Nagmamasid ngayon ang tatlong magkakaibigan sa labas ng studio ng 12Serenity. Tila may inaantay dahil hindi sila mapakali.

"Psst! Okay na ba yan?!" Mahina pero madiin na tanong ni Andrea

"Yeah. Ako pa ba?" Sagot naman ni Rona.

"Oh mercedes yang sayo? Okay na?" Baling ni Andrea kay Mercedes

"I'm always ready." Sagot nito.

Nagmasid ulit silang tatlo at nang makita na ang hinihintay ay nagmadali kaagad silang kumilos at nagtago.

"Ouch!!!" Sigaw ng isang babaeng napaupo dahil napatid ito sa isang tali.

"Opps! Tanga mo naman. Hindi mo ba nakita?" Nakangiti na tanong ni Mercedes dito.

Si Keyla ang babaeng ito. Papunta siya sa studio ng 12serenity para puntahan sana si Kysler ng mapatid siya sa tali.

Matagal bago siya napatingin dito dahil sa sakit ng paang iniinda niya. Nakaheels siya at medyo masama ang bagsak niya.

"How dare you—! Aah! What the?!" Muli siyang napasigaw ng mabuhusan siya ng madulas na likido. Tiningala niya ito tsaka kumunot ang kanyang noo.

"Yuckkk!! What is this? Eew! It's so kadiri!!" Sigaw ni Keyla.

"Oh! I'm sorry! Di ko sadya.." mapang asar na bigkas ni Rona.

"What the hell are you saying?! It's freakin' obvious na sinasadya niyo!" Keyla.

"Ay tanga? Ngayon mo lang nahata?" Natatawang wika ni mercedes.

"You'll pay for this!!" Sigaw ni Keyla at tatayo na sana ng mabuhusan ulit siya ng malamig na tubig na may mga yello pa.

"Masyado kang hot. Ice bucket shower ka muna para naman maging cold ka." Ngingiti ngiting wika ni Andrea.

"What is this for?!....I hate you!" Wika ni Keyla habang nanginginig sa lamig at halos umusok na ang ilong dahil sa galit.

"You hate us? Well, we hate you to the core. What is this for? You don't know?!!" Gigil na sigaw ni Mercedes habang pinandidilatan ng mata si Keyla.

Imbis na sumagot ay matapang na nakipagtitigan si keyla sa kanya. Bahagya namang ngumiti si mercedes. Tila may naisip nanamang gawin.

"Pasensya ka. Masama kami magalit lalo na kapag iningatan namin ang bagay na nawala sa amin." Nakangiting wika ni Mercedes.

"I don't know what you're talking about." Pagmamatigas ni Keyla.

Bigla siyang sinampal ni Mercedes kaya sinabunutan niya naman ito. Nakatingin lang sa kanila si Andrea at Rona dahil alam nilang kaya ni Mercedes.

Bumagsak sa sahig si Keyla dahil sa pagtuhod sa kanya ni Mercedes sa tyan. Namimilipit ito habang niyayakap ang sarili.

"How.. dare you?!" Keyla.

"Remember that seen? Nang sampalin ka ni Brionna?! Nung tinuhod mo siya sa tyan?! Mas malala pa sa sakit na nararamdaman mo ang naramdaman niya!! And the baby that was lost because of you?!! Do you know how much we took care of her and that baby?!!" Sigaw ni Mercedes.

Hear Me(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon