The note

77 5 1
                                    

Chapter 34

Third person's POV

Habang nagkakagulo sila dahil sa kasal nila timothy at Brionna, hindi naman mapakali si Timothy kung bakit umiiyak nanaman si Brionna. Naisip niyang kanina ay okay naman ito at ngumingiti.

'May nangyari ba kanina? O umiiyak siya kasi ayaw niya talaga magpakasal sakin? ' ang nasabi ni timothy sa isipan.

"Hoy timothy hali ka dito! Celebrate tayo!" Tawag sa kanya ni shone.

"Oo nga. Ano ba ginagawa mo dyan! Para kang timang! Hahaha" segunda ni Blake.

Ngumiti si Timothy sa kanila at lumapit din. Napansin niyang mayroon ng mga pagkain at alak sa lamesa.

"Ano to?" Tanong niya.

"Hindi ba halata? Wine! Inom tayo! 2days from now mag asawa na kayo ni Brionna ee! Hahaha swerte!" Sammuel.

Kumunot ang noo ni timothy sa sinabi ni Sammuel kaya napatakbo ito kung nasaan ang mga invitations at tinignan kung anong date ang nakalagay sa invitation.

"Saturday, 4pm at the *** Church." Basa ni Timothy dito.

"Hala!! Why so soon?!!" Sigaw ni Timothy.

"Ayaw mo? Sige ako na lang magpapakasal sa kanya! Hahaha" Apila ni Blake na tuwang tuwa.

"Manahimik ka dyan! Sige inuman na lang!"

Nagsimula na silang uminom at nagkwentuhan magdamag.

"Sino ba best man mo?" Tanong ni chendrick.

"Tinatanong pa ba yan? Syempre ako! Hahaha" sabat ni Blue.

"Hahaha ayan meron na!" Sagot ni Timothy.

"Geh ninong nalang pala kami." Lucky.

"Kaso pre magastos pag ninong ee! Hahaha" Lance.

"Kuripot ka ah! Hahaha" timothy.

"Teka.. bakit wala pala si Kysler?" Biglang tanong ni Blaire.

"Oo nga. Kanina pa yun wala ee." Pagsang ayon ni David.

"You mean. *hik* hindi siya nagpractice kanina?" Tanong ni timothy.

Medyo may kalasingan na sila dahil sa tapang ng alak na iniinom nila.

"Tingin niyo ba, makikisaya satin yun kung nandito siya? Hehe." David.

"Bakit hindi?" Timothy.

"Baliw! Syempre sino ba magiging masaya kung ikakasal sa iba yung taong mahal mo? Kahit ako ayoko... ooppss!! Hala! Hik!" Tuloy tuloy na sabi ni David at napatakip ng bibig.

"Ano?" Tanong ulit ni timothy.

"Huh? Eh.. hahaha geh tulog na ko aa. Madaling araw na magluluto pa ako bukas ee."

"Hoy david!" Sigaw ni Timothy.

"Tulog na si David! Hahahah" sagot ni david at tumakbo na papunta sa kwarto nila.

"Di mo pa gets? Mahal parin ni Kysler si Brionna. Hina mo pre!" Sabat ni Blue.

Biglang nanahimik ang iba at nagsitayuan na.

"Matutulog na lang kami." Paalam ni Shone.

"TIMOTHY!!!!" Napahinto silang lahat sa paglalakad ng marinig ang boses ni Kysler na sumisigaw habang papasok kaya napalingon silang lahat dito.

"Oy! Timothy! Hahaha buti nandito ka! *hik* hehehe." Wika ni Kysler at lumapit kay timothy at hinawak hawakan ang pisngi nito.

"Ano ba!" Sigaw ni Timothy.

Hear Me(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon