Sealed with a kiss

172 19 6
                                    

Brionna at the side ——————>

Chapter 17

Brionna's POV 

Lumapit si kysler sakin still wearing his smirk kaso biglang umepal yung model ng poste!

"What? Me?" Tanong nung model ng poste. 

"Yeah YOU! Kung makayakap ka kanina akala mo boyfriend eh! Hello to girlfriend diba?!!" Sigaw ko. Kanina pa kasi talaga ako naiinis sa kanya eh! Di makuha sa tingin. 

"Excuse me? For all I know nilandi mo lang itong si Kysler kaya naging kayo." Sagot niya. 

"Hah! Tingin mo sakin salamin para makita mo sarili mo?" Ako. 

Baka akala niya di ko siya lalabanan!! Kysler KO ang pinag uusapan noh! 

"Brionna tama na." Awat ni Kysler. 

Isa pa to! Nakakainis! Di niya ba ko ipagtatanggol?! 

"No. Tingin ko sayo? insecure. Sorry girl ha? Hindi ko kasi kasalanang ipinanganak akong MAS maganda sayo." Sabi niya na halatang nanlalait. Wait, maganda din naman ako diba? Nakakainis ah!! 

"Spell feelingera. I-K-A-W. Wag masyadong kampante! Mukha ka ngang tingting eh!!" 

"Brionna I said stop it!! Trisha sorry for that." Kysler. 

Napatingin ako kay Kysler. At talagang yung babaeng yun pa yung kakampihan niya?! 

Malapit nang tumulo yung luha ko dahil sa pagsigaw niya. Ako yung girlfriend niya diba? Dapat sakin siya kampi!!! Dapat pinagtatanggol niya ko!! 

"Ahhh. So sad :( iiyak ka na? Wag kasi babangga sa maganda ha?" Yung model. 

"Kung anong kinaganda mo, ganun din ang kinapangit ng ugali mo." Timothy. 

Nagulat ako ng bigla na lang siyang sumulpot. Hinawakan niya ko sa right  wrist at hinila kaso hinawakan din ako ni kysler sa left wrist ko. 

"Bitawan mo GIRLFRIEND KO." Kysler. 

"Tch! Lakas din ng loob mong tawaging girlfriend yung BESTFRIEND KO na hindi mo man lang kayang ipagtanggol. Kapal mukha pre! Bitaw!" Sigaw ni Tim. 

*Clap Clap Clap* 

Napatingin kami sa pumalakpak. Si model ng poste. 

"Lupit pala ng kalandian mo eh. To the highest level! Dala-dalawa oh!" Sigaw niya. Maraming tao dito kaya maraming nagtawanan. 

"What are you  laughing at?!! And you!! Shut that whore mouth of yours! Dahil kahit babae ka papatulan kita!" Timothy. 

Natahimik silang lahat dahil sa pagsigaw ni tim. Including Trisha. The poste model. 

All this time nakatingin lang ako sa kanya. Bakit pag kailangan ko ng tulong lagi siyang nandyan? Bakit pag nasasaktan ako siya palagi yung nandyan para masandalan ko? 

Lumapit siya kay Kysler at itinulak yun sabay na hinila ako palayo sa kanila. Palayo sa kahihiyan. 

Tuloy tuloy lang yung paghila niya sakin palabas ng kwarto. Medyo masakit na yung wrist ko pero nagpahila na lang din ako hanggang makarating kami sa rooftop. 

Masakit yung wrist ko pero mas masakit yung nasa loob ko. Nasasaktan ako. Bakit ganun si Kysler? Bakit di niya ko kayang ipagtanggol? Bakit hinayaan niya kong mapahiya kanina? Bakit mas kinampihan niya si Trisha? BAKIT WALA SIYANG GINAWA?!!! 

Habang nagpapahila kay Tim tuloy tuloy ng tumulo yung luha ko. Di ko na kinaya. Masakit yung ginawa niya. First time na napahiya ako sa harap ng napakaraming tao. First time na nagkaboyfriend ng hindi naman ako kayang protektahan. 

Hear Me(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon